^
Himig 11th edition finals night, gaganapin sa March 21

Himig 11th edition finals night, gaganapin sa March 21

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2021 - 12:00am

Magaganap na sa Marso 21 (Linggo) ang finals night ng Himig 11th edition songwriting competition ng ABS-CBN kung saan malalaman na ang mga mananalo ng special awards at ang inaabangang Best Song.

Kagaya ng mga nakaraang taon, malaking parte ang pagboto ng fans para malaman kung sino ang mag-uuwi ng TFC’s Global Choice Award, MOR Philippines Choice Award, at MYX Choice for Best Music Video sa pamamagitan ng pagboto sa mga paborito nila hanggang sa Marso 15 (Lunes).

Para bumoto sa TFC’s Global Choice Award, panoorin, mag-comment at mag-react sa Himig­ in-studio performance ng iyong paboritong kanta sa playlist na ito. Ang kanta na may pinakama­raming comments at reactions ay mananalo ng award at makakatanggap din ang songwriter nito ng USD 1,000.

Para naman sa MOR Philippines Choice Award, mag-log in lang sa YouTube at i-like ang official audio-video ng napili mong awitin sa playlist na ito sa MOR Entertainment YouTube Channel.

Samantala, 30% ng criteria sa pagpili ng MYX Choice for Best Music Video ay magmumula sa total number ng views ng mga official music video ng bawat entry, kaya siguraduhing panoorin ang paborito mo.

Unang mapapanood ang Himig 11th edition finals night sa livestream sa ktx.ph 7 p.m. sa Marso 21 (Linggo) sa halagang P199. Ipapalabas din ito 10 p.m. sa Sunday’s Best ng Kapamilya Channel at sa TFC IPTV.

Tampok sa Himig 11th edition ang magkakaibang line-up ng mga awitin, interpreter at kolaboras­yon.

HIMIG
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with