^
Pagkatapos ng isang taon, Tito, Vic at Joey nagkita-kita na
TVJ

Pagkatapos ng isang taon, Tito, Vic at Joey nagkita-kita na

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2021 - 12:00am

Tuwang-tuwa ang Eat Bulaga hosts na sina Tito, Vic Sotto and Joey de Leon nang magkita-kita sila sa 50th wedding anniversary celebration ng producer nilang sina Mr. Tony at Mads Tuviera.

Naka-text ko si Pauleen Luna kahapon at nakikita nga raw niya ang sobrang tuwa ng TVJ nang finally ay nagkita-kita sila.

Mag-iisang taon nang naka-quarantine at nasa Zoom lamang sila nagkikita minsan. Halos araw-araw naman nasa Eat Bulaga si Bossing Vic at si Tito Joey ay meron ding segment, pero hindi na sila nagkasama sa Eat Bulaga.

Kaya nang inimbita sila sa Golden wedding anniversary nina Mr. and Mrs. T, dumalo sila para maki-celebrate.

Post nga ni Tito Joey sa kanyang instagram account; “ONE YEAR NO SEE…naka-face mask pa! Half-face to half-face after a year but HALF-PY to see each other!”

Sa loob ng mahigit 40 years na nagsasama nang halos araw-araw sa studio ng Eat Bulaga, ngayon lang sila napaghiwalay. Hindi nila naisip na mapaghihiwalay sila nang matagal dahil sa pandemic na ito.

Sabi rin ni Pauleen, iyon din daw ang first time na lumabas ng Alabang ni Bossing Vic. Ang bale labas lang daw niya ay kapag naglalaro ng golf na malapit lang naman sa Ayala, Alabang.

Kaya sobrang in-enjoy nila ang pagkikita nila sa golden wedding anniversary nina Mr. & Mrs Tuviera, lalo na’t close friends at family ang kasama nila roon.

Nagkaroon ng renewal of vows sina Mr. & Mrs. Tuviera na dinaluhan ng pamilya. Ang ibang imbitado ay sa reception na lang dumalo na may kahigpitan daw talaga sa venue.

Limitado lang daw ang mga tao sa loob kaya mahigit 20 lang daw sila na nag-dinner sa venue ng selebrasyon.

Ogie may sagot sa panlalait sa BF ng anak, Ian hindi puwedeng basahin ang ‘libro’ ng anak

KilaboTitos ang pagkilala kina Ogie Alcasid at Ian Veneracion, pero hindi naman sila nakakakilabot na tito na minsan ay naaasiwa pa raw si Ogie kapag tinatawag siyang ‘tito’ ni Lovi Poe.

Pero pagdating sa kanilang mga anak ay cool daddy sila, na pati sa bashers ay hindi na nila pinapansin at tinuturuan na lang nila ang kanilang anak kung paano dedmahin ang bashers.

Ang latest nga ay noong na-bash ang anak ni Ogie na si Leila nang ipinost ang boyfriend nito.

Kung anu-anong panlalait ang inabot nila sa ilang bashers na ikinalungkot ni Leila. Naapektuhan ang dalaga dahil pati ang boyfriend niyang singer ay inalipusta ng ilang bashers. Pero pinayuhan na lang daw ito ni Ogie na huwag na lang pansinin ang mga ito. “Nagulat ako na mas maintriga pa ang anak ko kesa sa akin,” napapangiting pakli ni Ogie nang makatsikahan namin sa mediacon ng concert nila ni Ian na Virtually yours, KilaboTitos.

Kaya kinausap daw niya si Leila. “I called her nung isang araw, she was at work. Sabi ko, ‘nak, huwag ka nang pumatol ‘di ba? Kahit ma-hurt ka, ‘di ka naman mananalo diyan eh.

“Huwag na lang patulan. Emotional lang daw talaga siya nun, mahal na mahal niya ‘yung boyfriend niya, and I understand that. Kaya sabi ko, ‘huwag ka nang pumatol, okay lang yan. Ang importante, tayong dalawa nagkakaintindihan,” pahayag ni Ogie.

Alam naman daw niya ang nararamdaman ng anak niya, pero pinayuhan na rin daw niya na wala silang magagawa sa mga hindi tumitigil sa pamba-bash sa kanya pati sa nobyo nito. “Naintindihan ko naman siya, kasi nature naman ng babae ‘yun eh. You have to protect your own…siyempre, parang nasasaktan siya at the same time nasasaktan din ‘yung boyfriend niya, and she’s very protective of that relationship, and I understand that.

“But sabi ko sa kanya, kahit anong gawin mo diyan, ‘pag sagot ka nang sagot, walang tigil ‘yan. Hayaan mo na ‘yun. Naintindihan ko siya, pero hayaan n’yo na ‘yun,” sabi pa ni Ogie.

Deadma lang naman si Ian at hindi naman daw siya aware sa mga bashing, pati sa kanyang anak dahil hindi naman daw siya laging online at hindi mahilig sa social media. “Parang ako ‘yun, wala ring pakialam ‘yun eh,” paglarawan ni Ian sa kanyang anak na nahuhusgahan din ng ibang netizens.

“Hindi naman siya nandun to entertain people. Hindi naman siya artista, hindi naman siya celebrity. I don’t think she’s affected of that.

“Meron nga siyang book na ang title, pardon of my language, ang book niya, The Subtle Art of Not Giving a Fuck,” natatawang kuwento ni Ian na hindi na raw pinababasa sa kanya ng kanyang anak ang librong iyon.

Hindi naman daw siya kasi apektado sa mga naglalabasan sa social media.

“May pagkaganun din siya kasi ang hirap na ngayon na lahat ng tao may opinyon… na hindi naman natin kilala, hindi naman tayo kilala, hinuhusgahan tayo, nagbabangayan. Minsan okay na rin ‘yung hindi na lang pinapansin,” pagkibit-balikat ni Ian.

Kaya cool lang daw sila, at ini-enjoy na sa pagkanta.

Mapapanood ang mga cool na kantahan sa kanilang Virtually Yours, KilaboTitos na mapapanood sa KTX.Ph sa March 26.

Makakabili ng VIP ticket na worth P1,200 at meron ding tig P800 na ticket.

JOEY DE LEON TITO SOTTO VIC SOTTO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with