^
Gina, nawala ang kabaliwan sa tiktok!
Gina

Gina, nawala ang kabaliwan sa tiktok!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2021 - 12:00am

Malaki ang naitulong ng pagti-TikTok kay Gina Pareño upang maibsan ang kalungkutan na dulot ng COVID-19 pandemic.

Mula nang magkaroon ng pandemya noong isang taon ay hindi na nagkaroon ng trabaho ang beteranang aktres.

Sa ngayon ay mayroong 1.6 followers sa TikTok si Gina. “Nabaliw ako last year. Kasi hindi ako nakakaarte. So nag-TikTok ako. Nakakaarte ako sa kuwarto ko, sa bahay, eh ‘di nakaraos ako. Hindi na ako baliw ngayon. Nakaka-communicate ako sa kanilang lahat kaya masarap sa pakiramdam ‘yon. At least nakakaarte ka,” pagbabahagi ni Gina.

Pagdating sa pagmamahal ay hindi naman umano nakaranas ang beteranang aktres na mabaliw sa isang lalaki noong kanyang kabataan. “I don’t think na may nagawa akong kabaliwan sa buhay ko. Hindi ako nababaliw sa pag-ibig. Dahil mahal kita, walang baliw do’n. Talagang honestly mahal kita,” giit niya.

Maymay, maraming blessing kahit pandemya

Kamakailan ay muling pumirma ng kontrata si Maymay Entrata sa ABS-CBN. Masayang-masaya ang aktres dahil sa pagtitiwalang muli ng Kapamilya network sa kanya. “Sobrang blessed kasi nga pandemya, hindi ko naman ini-expect pa na isa ako sa mabibigyan ng marami pang biyaya sa panahong ito. Pero ‘yon nga, parang masarap lang sa feeling na nandiyan ‘yung tahanan mo na talagang ipaparamdam nila sa ‘yo na secured ka, na gagabayan ka nila kahit anong mangyari. Kaya masaya ako na parte rin ako sa pagharap ng pagsubok at very excited ako na tayo’y babangon muli at ipagpe-pray natin ‘yon. Para rin ito sa ating mga Kapa­milya,” makahulugang pahayag ni Maymay.

Para sa aktres ay talagang masarap sa pakiramdam na nananatili siya sa bakuran ng ABS-CBN sa kabila ng mga pinagdaanan nito noong isang taon. Matatandaang naipasara ng Kongreso ang TV network dahil sa hindi pagbibigay ng prangkisa rito. “Alam mong may tahanan ka, na talagang handang magbigay sa ‘yo ng magandang kinabukasan. At handang gabayan ka kahit anong mangyari. So para sa akin, nakaka-excite ‘yon. At isa rin siguro ‘yung mga proyekto na ibibigay nila sa akin. Kasi nga siyem­pre nasu-surprise ka na lang,” dagdag ng dalaga.

Sa mga susunod na buwan ay posible na mu­ling magkatambal sa isang proyekto sina Maymay at Edward Barber. “Do not expect nothing because I will surprise you with what I can do for this year. Posible naman na mangyari ‘yon. Kahit ano naman na proyekto na darating tatanggapin ko naman lalo na kapag nandiyan si Edward. Hindi ko pa masasabi, hanggang maaari talaga na sure ako. Mag-a-update naman kami. Sasabihin namin agad kung meron mang darating. Nagkakausap naman kami ni Edward. Mabuti naman ‘yung working relationship namin, ‘yung pagkakaibigan namin. Wala namang problema.” pagtatapos ng aktres.

-Reports from JCC-

GINA PAREñO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with