_ngayon
^
Gwen at David, nasa Pilipinas na!
David, Cooper & Gwen

Gwen at David, nasa Pilipinas na!

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - March 1, 2021 - 12:00am

Nakabalik na ng bansa ang mag-asawang David Seme­rad at Gwen Zamora pagkatapos nilang ikasal sa Marcillat-en-Combraille, France noong February 13.

Kasama nilang bumalik ng Philip­pines ang anak na si Cooper.

“We’re back na po. Quarantine lang po for a week,” sabi ni Gwen nang maka-DM (direct message) ko siya sa Instagram noong Friday habang naka-quarantine nga sila sa isang hotel.

Dagdag pa na message ni Gwen, ok naman daw sila sa quarantine.

“Ok naman po, med­yo jet lag kami, pero carry naman. We started a juice cleanse para balik-alindog after all the food we ate in France. Hahaha!”

Kung matatandaan, dapat June last year ay ikinasal na sila rito sa atin (in a small place sa may Tagaytay sana), pero dahil sa COVID-19 pandemic, hindi nila ‘yon itinuloy.

Ang twin-brother ni David na si Anthony Se­merad, engaged na rin kay Sam Pinto, kailan naman kaya magpapakasal ang dalawa?

Noong lockdown, matagal ding nag-stay sa Sydney, Australia sina Anthony at Sam.

Anjo, hindi na itutuloy ang plano sa pulitika

Noong una ay natsikang kakandidato bilang vice mayor ng San Juan City si Anjo Yllana.

Ilang taon na rin naman na sa San Juan nakatira ang host ng Happy Time ng Net 25.

May isang malapit sa aktor ang nagtsika sa akin na mukhang hindi na itutuloy ni Anjo ang kanyang kandidatura para sa nasabing posisyon.

Mukhang mas gusto raw ni Anjo na mag-concentrate na lang sa Happy Time.

Sayang nga lang at hindi na kasama ni Anjo sa noontime show na ‘yon ang kaibigan niyang si Janno Gibbs.

Dyowa ng aktres na mula sa political clan, kakandidato sa 2022

Speaking of pagkandidato sa San Juan, tama ba ang narinig ko na kakandidato bilang city councilor sa lugar na ‘yon ang boyfriend ngayon ng isang kilalang aktres?

Malapit sa isang taong nakapuwesto sa San Juan ang boyfriend na ‘yon ng aktres, kaya ang tsika, papasukin na rin nito ang mundo ng pulitika.

Well, hindi naman imposible ‘yon sa boyfriend ni aktres dahil galing naman ito sa isang kilalang political clan.

Si aktres daw, for sure na 100% ang suporta sa kanyang boyfriend. Ang boyfriend naman kasi ang itinuturing ng aktres na sunshine of her life after ng failed marriage niya noon.

‘Yun na!

GWEN ZAMORA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with