_ngayon
^
Ruffa, hindi nagulat kina Derek at Ellen!
Ruffa
STAR/ File

Ruffa, hindi nagulat kina Derek at Ellen!

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - February 28, 2021 - 12:00am

Dahil umamin na nga sina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa kanilang more than a month relationship, inusisa ko ang neighbor nilang si Ruffa Gutierrez tungkol doon.

Neighbors sa isang posh village somewhere in the south of Metro Manila sina Ruffa, Derek at Ellen.

Actually, ‘yung pagli-link kina Derek at Ellen ay nag-start nang mag-invite ang una sa huli, kay Ruffa at sa ilan pang friends para mag-dinner sa house ng hunk actor.

Ipinost pa nga ni Ruffa sa kanyang Instagram story (@iloveruffag) ang videos at photos na kuha sa kanilang dinner noong January 11.

Actually, sa isang tsikahan namin ni Ruffa, nabanggit nga niya na nag-i-invite uli si Derek sa group nila para mag-dinner sa bahay nito, pero sabi raw niya, sa March na lang dahil busy siya sa paglilipat.

Bagong lipat ng bahay si Ruffa sa posh village na ‘yon at inaayos pa nila ng mga anak na sina Lorin at Venice ang bago nilang lugar, kaya minsan lang siyang lumabas ng bahay.

“’Yung dinner namin nina Karla (Estrada) at Vina (Morales), biglaan lang ‘yon (na ginanap sa bahay ni Karla). Still busy fixing a lot of things sa bahay. Marami pa kaming mga pinagagawa, hindi pa talaga ayos,” sey ni Ruffa.

So, na-surprise rin ba siya na may relasyon na nga pala sina Derek at Ellen, o alam na niya talaga?

“No, I didn’t know! So, na-surprise rin ako!” sabi nito.

So, kung makakasama ka na sa neighbors’ dinner n’yo sa March, you think magiging open na sina Derek at Ellen sa relasyon nila?

“Probadly. Hahaha!” ang tanging reaksiyon niya.

Minsan ko na siyang tinanong kung sa tingin niya ay bagay sina Derek at Ellen, positive naman ang sinabi niya.

Ater nga ng dinner ng grupo nina Ruffa, Derek at Ellen at na-link na nga ang ngayon ay mag-sweethearts na, marami na talaga ang kinikilig sa kanilang dalawa!

At least, ang sarap dahil in love sina Derek at Ellen.

At si Ruffa, kailan kaya magkaka-boyfriend uli? “My gosh, not so bilis! Let me rest. Busy ako sa pag-aayos ng bahay. Hahaha!”

Alam mo, Ateng Salve, nang magkasama rin kami ni Pops Fernandez over breakfast last Friday, hindi pa umaamin ang bagong magkarelas­yong sina Derek at Ellen.

Kahapon, tinanong ko rin si Pops kung na-surprise ba siya na may relasyon na nga ang dalawa at ang sagot niya ay hindi! “No. Hahaha,” sagot ni Pops.

Actually, nang interbyuhin ni Pops si Derek (na ilalabas sa Pops Fernandez Official YouTube channel on Wednesday), nandoroon din si Ellen, kaya alam ko na kung bakit hindi na ito na-surprise.

Kaya naman tinanong ko ang concert queen kung ininterbyu rin niya si Ellen, pero hindi raw.

Bakit naman?  “I’m shy. Nahiya ako. Kasi si Derek lang ang paalam ko,” sabi ni Pops.

Ay, naku, si Pops talaga, always shy.

Malayo siya sa iba na hindi palalampasin ang opportunity na ‘yon para parehong mainterbyu ang bagong aming magkarelasyon, huh!

‘Yun na!

RUFFA GUITIEREZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with