^
Ogie at Ian, iniiwasang matulad sa naging problema ni Regine sa concert!
Ogie at Ian

Ogie at Ian, iniiwasang matulad sa naging problema ni Regine sa concert!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

Kahapon sa virtual mediacon ng concert nina Ogie Alcasid at Ian Veneracion na Virtually Yours, Kilabotitos, nagpahayag na ang producer nito na si Ogie na rin na mas maingat sila ngayon dito na hindi matulad ng Freedom concert ni Regine Velasquez na na-postpone ito nung nakaraang Valentine’s Day at napagdesisyunang ituloy na ngayong February 28.

Ayaw ni Ogie na ma-experience ang matinding stress na pinagdaanan nila nang kailangang i-postpone ang concert ng asawa dahil sa na-expose ito sa isang COVID positive. “Hindi ko ma-describe yung stress level dito sa bahay no? It was up there in terms of stress level. But, the good thing about it is that, dahil we follow the safety protocols, hindi nag-worsen ang situation. Ganun talaga ang takbo no?” pakli ni Ogie.

Kaya itong kanilang Kilabotitos ay tinitiyak nilang hindi ito mangyari. Iti-tape nila ito sa Music Museum, at nakikipag-usap na sila sa kanilang health officers kung ano ang mga dapat gawin para maiwasan ang ganung problema. “Kasi, hindi lang health implications, meron ding financial implications. So, we’ve been briefed by our healthy officer. We had a meeting few days ago. Sinabi niya sa amin kung ano ang dapat gawin. Those only to be swabbed…we will have specific swabbing centers which they have to follow. Ka-meeting din namin yung venue so that everybody is safe.

“We’re just making sure that we follow all these safety protocols,” dagdag niyang pahayag.

Kaya mabuti na rin daw na i-tape nila ang buong concert sa Music Museum para matiyak lang na maayos ang production at kung sakaling may magka-problema sa isa sa mga taong involved, magagawan daw kaagad ng paraan. “Halimbawa mag live kami..tapos merong isang hindi puwede, ang hirap kaya nun, better to do it days ahead so that everybody’s prepared health-wise and at the same time we deliver a quality show ang video and audio. Kasi siyempre iyun ang experience na gusto ng audience natin, maganda ang video nila, maganda ang audio nila,” sabi pa ni Ogie.

Sa March 26 na ang Virtually Yours, Kilabotitos na mapapanood sa KTX.Ph.

Sa mga mahihirapang makakuha ng ticket online, maglalabas ng instructional video sina Ogie at Ian at puwede rin silang tulungan ng A Team ni Ogie sa telepono, 09271277356.

Arjo may blessing ang sorpresa kay Maine

Nag-text sa amin si Sylvia Sanchez kahapon na pinayagan naman daw si Arjo Atayde ng Star Magic na mag-guest sa sitcom ni Maine Mendoza at Vic Sotto na Daddy’s Gurl. Nagpa-interview nga si Arjo sa GMA News para tulong promote na rin sa episode na iyun na mapapanood na sa March 6.

Pa-birthday daw niya iyun kay Maine. Pero meron pa siyang pinaghahandaang pa-surprise para sa 26th birthday ni Maine. “Lagi kasing may paandar yan. Hindi puwedeng sabihin dito kasi hindi ko pa alam, surprise pa yan,” sabi ni Maine sa interview sa kanya ni Nelson Canlas sa 24 Oras.

Samantala, nabanggit nga sa amin ni Sylvia nang mag-text ito kahapon na nasa Kapamilya network pa rin si Arjo. Kahapon daw ang contract signing ng renewal nito sa ABS-CBN 2.

Janno at Kitkat, sinibak na

Tawa lang ang sagot ng komedyanteng si Boob­sie sa tanong namin sa kanya kung magi­ging regular na ba siya sa noontime show ng Net 25 na Happy Time.

Maganda ang feedback nang pag-pinch hit niya kina Janno Gibbs at Kitkat kasama sina Mico Aytona at CJ Hirro.

“Hihihi. ‘Yun po ang sabi,” ang sagot ni Boobsie nang tinext ko kung siya na ang kapalit kay Kitkat. “Napaka-blessed ko nga po. Thank God,” dagdag niyang text sa akin.

Naka-text ko rin kamakalawa lang si Anjo Yllana, pero hindi ito nagbigay ng anong impormasyon. Maingat ang mga sagot niya. Wala raw kasi siya nang magkaroon ng gulo sa taping, kaya wala raw siyang alam.

Pero kamakalawa lang ay naglabas na ng statement si Janno na pinapaalis na sila sa natu­rang noontime show. Silang dalawa ni Kitkat ang sinibak sa Happy Time, kaya nasa moving on process na sila ngayon.

Ang isa sa huling post ni Janno sa kanyang Ins­tagram account ay may sisimulan siyang bagong kantang iri-record at iyon ang isa sa pinagkakaabalahan niya.

Natanong nga kay Ogie Alcasid sa virtual me­diacon ng virtual concert nila ni Ian Veneracion na KilaboTitos, at nag-message nga raw siya kay Janno sa post nito sa Instagram. Kapag medyo malamig na raw ang lahat ay tatawagan daw niya para ipadama kay Janno na nandiyan lang siya na isa sa mga kaibigan niya. “I think he knows in everything that he’s been through, he knows naman I’m always there for him. I hope it’s okay,” pakli ni Ogie.

IAN VENERACION OGIE ALCASID
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with