_ngayon
^
Derek, sinagot ang tungkol sa kanila ni Pops
Pops at Martin

Derek, sinagot ang tungkol sa kanila ni Pops

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, naka-stay muna ako ngayon sa condominium unit ng isang friend ko somewhere in Taguig City, kaya technically, neighbors kami ni Pops Fernandez.

Dahil pareho kaming morning person ni Pops at dahil matagal-tagal na rin kaming hindi nagkikita, we decided na mag-breakfast “date” kahapon kasama ang kaibigan naming si Joy Alonzo (personal manager of Martin Nievera).

Tsika-tsika lang.

Napag-usapan namin ni Pops ang tatlong projects na nila-line-produce nila ng manager niyang si Jojie Dingcong for Colours channel ng CignalTV.

Ok naman daw ang eXes & whYs with Pops and Martin, Louie O. Live with Robin Nievera at workOUT from HOME na isa si Roxanne Barcelo as hosts.

Malapit na nga raw nilang simulan ang fourth project nila ng production company nila ni Jojie, ang Showboxx Media.

Siyempre, busy din si Pops sa taping ng Centerstage ng GMA 7 kung saan isa siya sa mga judge. Actually, noong isang araw, nag-CO­VID-19 saliva test na nga raw siya, na mas mahirap daw compared sa antigen, huh!

Anyway, hindi rin pinababayaan ni Pops ang kanyang social media accounts dahil may exciting siyang tinaped para sa kanyang Pops Fernandez Official YouTube channel.

Sa Wednesday nga raw ay mapapanood na sa kanyang YouTube channel ang interview niya kay Derek Ramsay!

Yes, si Derek Ramsay na na-link sa kanya last year!

Kung matatandaan, sa virtual presscon noong December ng eXes & whYs with Pops and Martin nila ni Martin Nievera, sinagot ng Concert Queen ang tungkol sa pagkaka-link nila ng hunk actor.

Nag-deny na si Pops at sinabi nga niyang isa sa gusto niyang mag-guest at ma-interview para sa cable show nila ng kanyang ex-husband ay si Derek nga.

So, ngayon, magkakaroon na ng katuparan ‘yon dahil sa Wednesday nga ay mapapanood na ang interview ni Pops kay Derek sa kanyang YouTube channel, huh!

Ang bongga!

So, napag-usapan ba nila ni Derek sa interbyung ‘yon ang tungkol sa pagkaka-link nila sa isa’t isa?

“You should watch! Hahaha!” sey ni Pops.

Naku, aabangan ko talaga ‘yon!

So, hindi na ba sila nali-link?

“I guess, nag-end na ‘yung pagli-link sa amin dahil sila na ni Ellen (Adarna) ang nali-link. Hahaha!” sagot pa ni Pops.

Assunta, si Alex ang ka-bonding sa kanyang birthday

Birthday kahapon ni Assunta de Rossi, kaya tinawagan ko siya para kumustahin?

“Nandito na kami kay Alex (Alessandra de Rossi). Kasama ko si Baby Fiore, pero natutulog,” sabi ni Assunta.

Bonding-bonding sina Assunta at Alessandra kahapon dahil sila na nga lang magkapatid ang nasa bansa at nasa Martano, Italy ang kanilang bunsong kapatid na si Isabel Schiavone at mga magulang na sina Luigi at Nenita Schiavone.

Ang isang kapatid nila, si Margherita Schiavone ay nasa Amsterdam naman at nagtatrabaho.

Sa Sunday naman daw ang family birthday dinner niya kasama ang mister na si Jules Ledesma, at ang mga anak nito (sa yumaong misis) na sina Cristina at Carlos, na parang mga tunay na anak ang turing ni Assunta.

Belated Happy Birthday, Assunta! ‘Yun na!

POPS FERNANDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with