^

Election 2022, magiging challenge sa mga ‘di kilalang kandidato!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2021 - 12:00am

Gusto ko na agad malaman kung sino ang mga tatakbo sa Presidential election sa 2022. Saka kung sino ang mga iboboto nating mga senador.

Exciting na naman, dahil big election ito kaya naman medyo maiiba lalo ngayon na merong pandemic, walang big crowd, mahirap mag-house to house, kaya big challenge kung paano makikilala ng mga botante ang mga kandidato.

Malaking tulong ngayon ang TV at mga write-up para ma-introduce ang isang tatakbo sa election.

Maganda rin ‘yung laging naririnig sa radio, medyo active na ngayon dahil madali na ang recall sa pangalan nila.

Sana nga makita ng mga tatakbo itong naging malaking problema nang magkaroon ng pandemic, kahit paano alam na nila kung ano ang mas makakatulong sa masa, mas kailangan ng tao, at ‘yung maayos na ayuda para hindi magkagulo.

Every election may promise of hope, every election umaasa rin tayo, kahit papaano, siguro naman merong naging pagbabago.

Maganda ang active participation ng social media, kahit konti may mga bagay na nabubuksan at nakikita ang mga mali. Saka mabilis nang kumalat ngayon ‘yung mga akala mo hindi malalaman, tapos nakunan pala ng cellphone at na-upload.

Bongga ang technology, para nang detective na nasusundan ang mga pangyayari.

PDEA at PNP misencounter, parang eksena sa pelikula

Nakakatakot ‘yung misencounter ng PDEA at PNP ha. Imagine mo kung sakali at naroon ka sa lugar na iyon na nagbabarilan, grabe siguro ang nerbiyos na aabutin mo.

Matao pa naman na lugar ang mall na iyon, at mabuti na lang pandemic kaya baka bawas nang konti ang tao, at sure na walang mga bata.

Rush hour pa nangyari ang gunfight kaya imagine mo ‘yung dami ng tao.

Bongga ‘yung operation na iyon na pumalpak, grabe talaga kaya dapat mag-investigate nang mabuti gaya ng nangyari sa Mindanao na misencounter din ng mga police at militar.

Bakit kaya nangyayari ang ganito? Hindi maayos na background check? O baka meron ding scalawag sa loob?

Very sad dahil imagine ‘yung wasted lives ng mga namatay, ‘yung trauma ng bystanders, ‘yung confidence mo sa police works, ang daming nawala dahil sa unfortunate na pangyayari.

Dapat may managot dito, dapat maayos nang mabuti, at ngayon, dapat ‘yung intel reports ay mag-background check.

Aljur at Kylie, natutuliro lang?!

I bet na puwede pang maayos ‘yung problema nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Aside from may dalawa silang anak, mula’t sapul very passionate ang love nila sa isa’t isa. Talagang kahit noong umpisa ay laging on the rocks ang kanilang relasyon pero sa altar pa rin napunta ang kanilang romance.

Very pathetic naman ‘yung issue na pera ang dahilan ng away nila, ‘yung financial unstability ng bawat couple, lagi talagang nagiging problema, pero seasonal naman ang pagiging busy sa showbiz, puwedeng walang trabaho ngayon, but later nandiyan na naman ang offers.

Pansamantala lang siguro iyan, medyo natuliro lang sa problema, pero with proper guidance, sure na maaayos din. Mukhang good team naman sila, ayusin lang nang konti, ok na.

ELECTION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with