^
Barbie, noon pa type si Diego!
Diego at Barbie
STAR/ File

Barbie, noon pa type si Diego!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

Taong 2018 nang magkakilala sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga. Mula noon ay naging magkaibigan na ang dalawa bago pa naging malapit na sa isa’t isa. “That time wala kaming something. Friends lang talaga pero crush ko siya no’n,” bungad ni Barbie.

“Ako ‘yung kumukulit noon kay Barbie. Ako ‘yung nagme-message sa kanya. Then na-realize naming dalawa na na-friend zone kami sa isa’t isa,” kuwento naman ni Diego.

Nagbakasyon sina Barbie at Diego kasama ang ilan pang mga kaibigan sa isang resort sa Pangasinan at mula noon ay mas lumalim pa ang pagkakaibigan ng dalawa. “Pinilit niya ako. Pero nagpaalam si Bie (tawag ni Diego sa aktres) sa mommy ko. Do’n ko nakita na sincere siyang kaibigan. Kasi ipinagpaalam ako sa nanay ko,” pahayag ni Diego. “Pinilit ko siya as a friend. Walang malisya. Hindi ko alam, bigla na lang, parang sobra na ‘yung pake ko para sa kanya. Kahit magkaibigan kami, hindi pala namin alam ang lahat sa isa’t isa,” dagdag naman ni Barbie.

Nakapagbakasyon sa Bohol ang magkasintahan bago pa tuluyang inamin sa publiko ang tungkol sa kanilang relasyon sa pagpasok ng taong 2021.

Vina, pinagdarasal ang bagong dyowa

Malaki ang pasasalamat ni Vina Morales dahil sa pagkakaroon ng anak na napakasimple. Anak ng aktres si Ceana sa dating kasintahan noon na si Cedric Lee. “Thankful ako kasi napakasimple ng anak ko. Talagang hindi siya mareklamo. Nararamdaman naman niya na mahal na mahal ko siya at lahat ng ginagawa ko ay para sa kanya. Siguro kuntento na siya. Proud ako sa sarili ko, ipinagmamalaki ko kasi lumalaki ang anak ko na mabuting bata.

“Happy ako at thankful ako na maski ako lang mag-isa, nagpapalaki sa anak ko. Palagi ko lang dasal na sana marami pa akong years to be with her, good health, na sana anak magkakasama pa tayo nang matagal para ma-guide kita,” nakangiting pahayag ni Vina.

Bilang isang single mom ay sinisikap talaga ng aktres na balansehin ang oras para sa anak. Kahit abala sa trabaho ay sinisiguro ni Vina na todong-pagmamahal pa rin ang ipinararamdam kay Ceana. “Siyempre nagtatrabaho din ako that time noong baby pa si Ceana. But then I’m really grateful and thankful sa family ko na kapag may trabaho ako ay may napag-iiwanan naman ako, sa kapatid ko. Sa magulang ko. Thankful ako sa mga taong tumutulong sa akin kasi hindi ko kayang mag-isa,” paglalahad niya.

Nangangarap si Vina na maikasal balang araw. May bulung-bulungan na mayroon nang bagong nagpapatibok sa puso ng aktres ngayon. “Wish ko rin naman ‘yon. Actually isa rin ‘yon sa ipinagdarasal ko rin talaga. Hindi ko alam kung kailan pero in God’s time mangyayari naman ‘yon,” pagtatapos ng aktres.  Reports from JCC

DIEGO LOYZAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with