^
Dingdong at Marian, naghahanda sa gagawing teleserye
Marian at Dingdong
STAR/ File

Dingdong at Marian, naghahanda sa gagawing teleserye

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

Siguro, kaya lumalabas sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay parang date na rin nila dahil naiinip na rin sila sa bahay. Nung minsan ay kasama nila si Ziggy na first time na nakapaglaro sa park ng village nila at si Zia sinasabi ni Marian na mas gustong pumasok sa school kesa online classes.

Cute na parang nagdi-date sina Dingdong at Marian sa kanilang pamamasyal at pagdalaw sa ilang friends tulad nina Dr. Hayden Kho at Dra. Vicki Belo na dapat talaga magpa-swab bago pumasok sa bahay.

Unti-unti, nasasanay na tayo sa pag-stay lang sa bahay, lock-in work at work from home, pero dapat din talaga na once in a while, go out to see some friends or makakita naman ang different scenery dahil kahit sino naman ay magsasawa sa loob ng bahay.

At baka nga matuloy na ang project na magkasama sina Dingdong at Marian, so kung mag-lock in sila, puwede nang isama ang mga anak, parang staycation lang ang peg ‘di bah?

Sabik na rin ang marami na makita si Marian sa screen, kahit nga may Tadhana siya, iba pa rin ‘yung serye.

Eh matagal na rin naman na wala silang ginagawa ni Dingdong, kaya it’s about time na magsama sila ngayon sa isang project, kahit ano, basta together sila, ok ‘di bah!

Tonton at Glydel, mahal na mahal ang Beautederm

‘Tuwa ako, Salve, kasi ni-renew ni Rhea Tan ng Beau­tederm ang pagiging brand ambassadors nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado. Happy ako kasi nga mahal na mahal nina Tonton at Glydel si Rhea Tan na parang kapatid nila at happy sila sa Beau­tederm.

At alam n’yo ba na ang sipag magtinda online ni Glydel ng Beautederm products? Kaya ‘yung business luck sana ni Rhea Tan ay mapunta kay Glydel para yumaman na rin sila katulad nina Sam at Rhea ng Beautederm.

At alam mo ba na dahil ayaw muna ni Rhea na magbiyahe papuntang QC kaya ang mga pictorial nila ay sa bahay niya sa Angeles ginagawa? Bongga talaga dahil para ka raw nasa 5-star hotel sabi ni Christopher de Leon, dahil on call ang lahat ng kailangan mo, food, drinks, at sobrang alaga nina Sam at Rhea.

Sabi ko nga sa iyo, Salve, go tayo sa house nila sa Angeles para makita natin ang bonggang mansion na nanggaling sa Beautederm, ang number 1 beauty pro­ducts ngayon pagdating sa skin.

HAYDEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with