^

John Lloyd hinihiritang unahin ni Bea para kumita

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

Alin nga ba ang unang project na gagawin ni Bea Alonzo, ang tambalan nila ni Alden Richards o ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz?

Unang nag-announce ang Star Cinema na sisimulan na ang pelikula nina Bea at John Lloyd sa buwang ito ng Pebrero, tapos nga nabago at sinabing basta first quarter ng taon magsisimula na sila. Siguro at that time ay iniisip nilang bukas na ang mga sinehan. Kung magbubukas na nga naman ang mga sinehan, ang mga ganyang pelikula ang dapat, kasi gusto iyang mapanood ng mga tao, at dahil sa pananabik nila sa sine tiyak na malaking hit iyan.

Pero ngayon mukhang mas mauuna pa ang pelikula nina Bea at Alden  na ang producer ay ang Viva Films at GMA Films na remake ng isang Korean movie. Mukhang possible naman iyan dahil si Bea, bagama’t kilala at sumikat sa ABS-CBN, ay umalis na sa kanilang Star Magic at ang manager niya ngayon ay si Shirley Kuan, na identified naman sa Viva. Hindi rin naman siguro aangal pa ang ABS-CBN, dahil kung iisipin may deal naman sila matapos na ipahiram sa kanila noon si Alden para itambal kay Kathryn Bernardo.

Actually kung sasabihin mo ngang iyan na ang ex deal nila, lamang pa rin ang ABS-CBN dahil ang pelikulag ginawa nina Kathryn at Alden ang sinasabi ngang highest grossing movie of all time. Binura ng pelikulang iyon na kumita ng 880 milyong piso ang lahat ng box office records ng lahat ng pelikulang Pilipino sa lahat ng panahon.

Ano mang isip ang gawin mo, parang malabong maabot ng isang Alden-Bea movie ang ganoon kalaking gross lalo na ngayong hindi pa naman bukas ang lahat ng sinehan, at kung magbukas man bago sila ipalabas, at ang papayagan lamang na capacity ay 50 percent, wala rin.

Isa pa, hindi sila makakabuga nang ganoon kalaking promo sa ngayon, kaya malabo iyan. Lalo na ngayon na ang ginagawa nila sa mga pelikula nila ay may conference lamang sa internet na ang kausap lang nila ay 10 tao. Anong promo ang magagawa noon lalo na nga at sa social media lang naman nila inilalabas?

Ano man ang mauna, siguro naman kikita iyan, pero kung kami ang tatanungin dahil subok na ang tambalan nina John Lloyd at Bea, at dahil sa pananabik din ng fans kay John Lloyd na matagal na nilang hindi napapanood, baka mas magandang doon nga sila magsimula.

Pagpunta ni Mel sa Mars, makatotohanan ang hitsura

Ilang araw na ang nakaraan, pero pinag-uusapan pa hanggang ngayon iyong shot sa newscast ni Mel Tiangco na siya ay nasa planetang Mars habang nagbabalita tungkol sa pag-landing ng isang vehicle ng NASA sa planetang iyon.

Makatotohanan daw ang shot na mukhang galing sa camera ng NASA, pero sinasabi naman nilang isang computer image lamang na ginawa para sa 24 Oras. Talagang marami nang nag-iba sa style ng pagbabalita ngayon, at natatandaan naming sinasabi nila noon pa na kaya binago na ng Channel 7 ang kanilang news studio para nga makapaglabas ng mga kakaibang video.

Kung natatandaan ninyo, noon pang eleksiyon ng 2016 gumamit na sila ng  holograms, na sa tingin ay nakatayo rin sa harap nila ang kanilang ini-interview na ang totoo ay nasa ibang lugar.

Ngayon walang kalaban sa ganyan ang Channel 7, dahil bagama’t may kakayahan ang ABS-CBN dahil mayroon naman silang digital production facilities, hindi sila gagastos nang ganoon sa TV Patrol na napapanood lang sa cable at internet.

Aktor na nababalitang may problema sa asawa, hinihintay ng bading na madatung

Nanghihinayang ang isang gay businessman, dahil lumalabas ngayon na hindi naman pala nakipaghiwalay ang isang male star sa kanyang asawa at mukhang nagkasundo na naman yata sila. Siyempre hindi na kailangang sabihing nagkabati na sila ulit, dahil hindi naman nila inamin na naghiwalay sila.

Nanghihinayang ang gay businessman dahil ang paniwala niya, kung natuloy ang hiwalayan, baka posibleng pasukan naman niya ang male star, na matagal na rin niyang ambisyong maging boyfriend.

Ang tsismis, marami naman daw talaga ang naghihintay sa hiwalayang iyon, pero ang mga naghihintay daw ay puro mga kilalang bading. Malakas pa rin pala ang appeal ng male star sa mga bading.

BEA ALONZO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with