_ngayon
^
Close kina KC at Apl.de.Ap, nagsalita sa totoo nilang relasyon
KC
STAR/ File

Close kina KC at Apl.de.Ap, nagsalita sa totoo nilang relasyon

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - February 26, 2021 - 12:00am

Alam mo, Ateng Salve, kasama kong nag-lunch kahapon ang philanthropist/businesswoman na si Pinky Tobiano, ang mister niyang si Juancho Robles, ang anak niyang si Pianne Sinfuego at ilang friends nang bigla siyang i-FaceTime video call ni Apl.de.Ap.

Masayang nagtsikahan ang dalawa at kinumusta ng international singer si Pinky na katatapos lang mag-quarantine dahil nanggaling ng Singapore.

Nagkumustahan ang dalawa at nang tanungin ni Pinky kung nasaan si Apl, sinabi nito na katatapos lang nitong mag-recording.

Mahaba ang tsikahan ng dalawa at bago sila mag-goodbye ay narinig kong sinabihan ni Pinky si Apl na kukunan niya ng picture ang kanilang FaceTime video call.

After ng tsikahan nila ni Apl, nabanggit ni Pinky na sobrang sweet ng international singer dahil kahit nasa Los Angeles, California raw ito ngayon at busy nga, nagagawa siyang kumustahin.  “He’s so sweet. A very nice friend!” sey ni Pinky.

Close friend din ni Pinky si KC Concepcion na nali-link kay Apl, kaya tinanong ko siya ng diretsahan kung may relasyon ba talaga ang dalawa niyang kaibigan?

“Honestly, they’re just good friends. Hindi sila couple. I can swear to the Lord na talagang wala. Good friends lang talaga,” sey ni Pinky.

Naku, sa dialogue na ‘yan ni Pinky, siyempre, naniwala ako, lalo na at palaging magkasama ang businesswoman/philanthropist at si KC at close rin naman ang una kay Apl.

Oo nga pala, sa May 9 ay ba­balik na ang online show ni Pinky, ang Grateful Tuesdays, na sa season 3 nga ay si Erik Santos na ang co-host niya.

Sa El Nido, Palawan daw ang bagong episode ng Grateful Tuesdays at handang-handa na naman daw silang mag-charity at mamigay ng prizes para sa kanilang online viewers.

Ang bongga!

Singer/actress, nagbawas ng management team para makatipid

Wala palang intriga ang pag-alis ng isang singer/actress sa isang management team.

Dahil daw sa COVID-19 pandemic, medyo nagtitipid si singer/actress at noon daw kasi, tatlo ang management team na may hawak sa kanyang career.

Ngayon daw, namili na lang ng isa si singer/actress para isa na lang ang bibigyan niya ng komisyon.

Naku, ang dami talagang nagbago dahil sa pandemic, Ateng Salve. Pero kahit naman daw ganoon, love na love pa rin ng iniwan niyang management team si singer/actress.

‘Yun na!

APL DE AP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with