^
Kylie at Aljur nagkaayos na, Derek at Ellen pinagbibintangang malupit ang âtikimanâ
Kylie

Kylie at Aljur nagkaayos na, Derek at Ellen pinagbibintangang malupit ang ‘tikiman’

SHOW-MY - Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

Nag-disable ng comment section si Kylie Padilla kahapon though may nagsabing mukhang nagkaayos na ang dalawa dahil nag-comment na si Aljur Abrenica sa post ng misis kasama ang dalawa nilang anak.

May pinagdaraanan lang daw talaga ang mag-asawa pero mukhang hindi naman daw malala ang problema.

Naloloka lang ang ibang netizens na nag-aakusang gamit na gamit din nila ang social media para magkaroon ng ingay.

Isa pang pinagdududahang napapapakinabangan ang social media ay sina Derek Ramsay and Ellen Adarna. Though parang nang-uurot lang naman sila dahil sunud-sunod ang post ng sweet photos nila at ang isa pa nga ay sinasabing ‘tililing’ inspired, parang ‘malupit na tikiman’ lang naman daw ang nagaganap. Kung serious daw kasi ang relasyon nina Derek at Ellen, baka raw mas maging discrete sila at ‘di kailangang ipangalandakan sa social media.

Meron namang nag-joke na lahat ng ex ni Angelica Panganiban – John Lloyd Cruz and Derek nagiging karelasyon din ni Ellen. Kaya dapat na raw kabahan si Carlo Aquino.

Ganundin si Julia Barretto na consistent ang pagsasabi na gusto nang magkaanak. Ok daw, pero mas bongga raw kung lalantad siyang preggy na or kung sasabihin niyang magpapakasal na sila ni Gerald Anderson.

Hahaha, patol much din naman kasi ang maraming netizens kaya nae-enjoy naman ng mga celeb na gustong-gusto rin tiyak na pinag-uusapan lalo na nga kung kailangan nilang mag-ingay dahil inactive ang career sa TV and movies.

KYLIE PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with