^
Angeline, magbubukas na rin ng restaurant
Angeline

Angeline, magbubukas na rin ng restaurant

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

Tubong-Pangasinan ang kinilalang ina ni Angeline Quinto na si Sylvia Quinto o mas kilala sa tawag na Mama Bob. Binabalak umanong magtayo ng singer ng isang restaurant sa naturang probinsya bilang pag-alala sa namayapang ina. “Kasi bukod dito sa Manila, dahil sa trabaho ko kaya ako laging nandito. Parang sa Pangasinan siguro din talaga ako tatanda. Wala akong ibang mahal bukod sa pagkanta kung hindi ang pagluluto. So ‘yung dalawang ‘yon ang pinakapangarap ko talaga. sinabi ko rin ito kay Mama Bob noong buhay pa ang Mama Bob, na kung magkakaroon ako ng sariling restaurant gusto ko sa Pangasinan itatayo. Kasi doon ang hometown ng mama ko. Doon siya ipinanganak at halos lahat ng alam kong lutuin ay sa Pangasinan din nanggagaling,” pagbabahagi ni Angeline.

Noong isang taon ay sinimulan ng singer ang chicken wings business niyang AQ Wings of Love at ngayon ay nagbebenta na rin ng face mask ang dalaga. Mula nang mabawasan ang trabaho dahil sa banta ng covid-19 pandemic ay sinubukan ni Angeline ang pagnenegosyo. “Unang-una paano natin malalaman kung kaya natin kung hindi natin susubukan. Kasi may mga bagay na akala natin hindi natin kaya kasi hindi natin sinubukan. Pero kapag sinubukan mo, malay mo kaya mo naman. Sa buhay ngayon kailangan ang dami nating ginagawa. Simula noong pandemya parang mas naging mahirap ang buhay ng lahat. Actually, ‘di lang sa atin, buong mundo. So bakit ‘di tayo mag-try ng iba’t ibang pagkakakitaan at puwedeng gawin,” paliwanag ng singer.

Maja, umaming selosa

Aminado si Maja Salvador na may pagkaselosa siya pagdating sa relasyon nila ni Rambo Nuñez. Mahigit dalawang taon nang kasintahan ng aktres si Rambo pero nakararamdam pa rin umano ng selos paminsan-minsan. “Cute ‘yung pagiging selosa ko. Clingy kasi ako pero nag-mature naman ako kahit paano. Ngayon si Rambo mature naman din, nagbibigay ng assurance. Kung may assurance naman, hindi papasok ‘yung pagiging selosa ko,” pagtatapat ni Maja.

Taong 2010 nang unang naging magka­sintahan sina Rambo at Maja pero tatlong buwan lamang tumagal ang kanilang relasyon noon. Pagkalipas ng siyam na taon ay nagkabalikan naman ang dating magkasintahan. “Kami ni Bo (tawag ni Maja kay Rambo) ‘pag laging magkasama, magpapa-miss muna ako ng slight. Kailangan n’yo rin na may gawin kayo para sa sarili n’yo. Pinaka-problem nga namin ni Rambo ay ‘yung kailangan ko unahin ‘yung career ko. In fairness naman kay kuya, hindi siya naging babaero. Walang third party, kaya malaking chance ‘yung nagbalikan kami kasi okay talaga ‘yung relationship no’ng time na ‘yon. Ako ang may problem no’n,” paglalahad ng dalaga.

Malaki rin ang pasasalamat ni Maja sa pamilya ni Rambo dahil sa pagmamahal ng mga ito sa dalaga mula noon pa man. “I’m very grateful kasi ‘yung family ni Rambo and even Rambo, parang si Rambo pa ‘yung nagbigay ng chance. Grabe ako mahalin ng family niya,” giit ng aktres.

-Reports from JCC-

ANGELINE QUINTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with