^
Kylie at Aljur, nakakahinayang!
Kylie, Alas at Aljur

Kylie at Aljur, nakakahinayang!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 25, 2021 - 12:00am

Sayang naman ‘yung pagsasama nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica na may dalawa nang anak kung mauuwi lang sa hiwalayan tulad sa mga naglalabasan. To think na noong BF/GF sila, ilang beses na ring nag-on the rocks ang kanilang relasyon pero nagawa nilang ayusin at nauwi nga sa pagpapakasal nilang dalawa.

Baka naman medyo pressured lang sila, baka naman maayos din at mag-decide na together, they can handle all odds.

Isa sa pinakamagandang couple sa showbiz sina Kylie at Aljur, puwedeng mga bata pa sila kaya nao-overwhelm sa mga hinaharap na problema, pero sana malagpasan nila ito.

Mukha namang matapang si Kylie sa pagharap sa mga naging problema nila, si Aljur naman mukha ring matatag dahil ang dami na ring hinarap na obstacles sa buhay lalo na sa kanyang career.

Kaya ipag-pray natin, kawawa naman ‘yung dalawang bata kung hindi makaya ng parents nila ang hinaharap na problema.

Sandali lang iyan, palagpasin n’yo lang, maaayos din.

Salamat sa award!

Alam mo, Salve, ang laki ng respeto at paggalang ko sa awards. Malaking utang na loob ko itinuturing ‘yung ma-consider lang ako para sa isang award. Pero dahil nga naging gaga ako at nakagawa ng infamous scam, ginawa kong parusa sa sarili ko na wala akong karapatan sa anumang award o pagpapahalaga sa akin dahil bakit ako, eh mandaraya ako, scammer ako.

Iyon ang kabayaran sa kasalanang nagawa ko, ang huwag tumanggap ng anumang award na ibibigay sa akin.

Grabe ang pakiusap ni Federico Moreno para isali ako sa Walk of Fame, feeling ko respectable member ako ng showbiz. Tumanggi ako kahit mahal ko si Kuya German Moreno dahil ayokong may magsabi, bakit siya? Tapos si Manay Ichu Maceda gusto akong bigyan ng Doc Jose Perez Memorial Award, sabi ko “manay Ichu ok na mahal n’yo ako at feeling family, pero huwag na iyang award dahil tiyak may magproprotesta,” natawa ako dahil umirap si Manay Ichu.

Now, sabi ni Gorgy bibigyan daw ako ng Joe Quirino Award ng The Eddys na isa sa pinaka-credible at respected na samahan ng mga showbiz editor na halos lahat love ko, na president si Ian Fariñas at VPs na sina Salve at Tessa Mauricio.

Siguro kung hindi ako nakagawa ng mortal sin sa showbiz na scam, I will be very proud to accept it. Siguro masasabi ko na talagang ‘arrived na ako’ but for every mistakes, dapat tanggap mo rin ang consequences nito.

Forever, I will be ‘awardless’ dahil for one moment in my life naging shameless ako, naging impulsive, kaya dapat magbayad ako sa kasalanang nagawa ko. In fact, one punishment din sa akin na hindi ako pumupunta sa anumang awarding ceremony na talagang one enjoyment sa buhay ko as a showbiz writer. A night na naging nightmare sa akin, pero like I said, no regrets, kasi a good lesson was learned dahil dito.

For all those who believe in me, thank you, forever. Kahit hindi ko natanggap ang award, naroon pa rin ang pagmamahal at respeto ko sa inyo, sa simbolo ng trophy, I salute you. Thank you.

ALJUR ABRENICA KYLIE PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with