^
Aljur at Kylie may problema sa pera, hiwalay na nga ba?
Aljur at Kylie
STAR/ File

Aljur at Kylie may problema sa pera, hiwalay na nga ba?

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

‘I’m submissive not stupid’

Pera nga ba ang rason kaya diumano’y may problema ang marriage nina Aljur Abrenica and Kylie Padilla?

Usap-usapan kasi ang pagbura ni Kylie ng photos ng mister sa kanyang Instagram account.

Sunud-sunod din ang cryptic messages nito sa kanyang IG stories na “I’m submissive not stupid” at “More selflove, babygirl.”

Bukod dito ay may post din si Kylie na : “The capacity to be alone is the capa­city to love. It may look paradoxical to you, but it’s not. It is an existential truth: only those people who are capable of being alone are capable of love, of sharing, of going into the deepest core of another person, without possessing the other, without becoming dependent on the other, without reducing the other to a thing, and without becoming addicted on the other. They allow the other absolute freedom, because they know that if the other leaves, they will be as happy as they are now. Their happiness can’t be taken by the other, because it is not given by the other - Osho.”

Obviously – alone at happiness and main issue ng quote.

Wala namang paramdam si Aljur sa kanyang IG account, pero naging madasalin na pala ang actor at ang kapatid niyang si Vin daw ang nagga-guide sa kanya.

“Prayed the rosary on the road. Been praying for a while. The power of prayer is real. Brought peace and clarity. Thank you @vinabrenica for lending and guiding me.”

At parang mabigat nga ang dinadala niya dahil pinag­darasal din siya ng kapatid na malapit na ring maging daddy. Preggy na ang girlfriend nitong si Sophie Albert.

“ Whoever shall call me blessed, they will be blessed. Immaculate Mary, mother of God. Blessed are you, you showed us the way. Mary our mother, teach us to pray.”

Last February 12 pa ang last post ni Aljur na kasama si Kylie.

Marami namang malungkot na follo­wers nila at sana raw ay hindi totoo ang speculations

Anyway, napag-usapan ang tungkol dito sa anniversary episode pa rin ng Take It… Per Minute, Me Ganun! kahapon nina Manay Lolit Solis, Manay Cristy Fermin and Mr. Fu. Kaya tuloy naungkat ang tungkol sa naglabasang issue noon na sa tuwing dumadalaw diumano noon si Aljur sa bahay nila Robin, paglabas nito ay ang daming gasgas ng kotse at butas ang gulong ng sasakyan ng aktor ayon sa source noong ka-chika ko.

But of course, that’s water under the bridge now lalo na nga at umabot naman sa kasalan sina Aljur and Kylie at dalawa pa ang naging anak.

Well, wala namang confirmation at the usual hula / konek lang sa cryptic messages ni Kylie at sa dasal ni Aljur ang lahat.

Pero wait, may nagpapatanong, bayad na raw kaya ni Aljur ang bahay na binili niya sa dating broadcaster na si Kaye Dacer?

Naalala kong nagkaroon ng issue noon na ‘di pa diumano fully paid ang aktor at kulang pa raw ng kung ilang milyon ‘yun.

Sa kasalukuyan ay inactive ang career ng mag-asawa at sa social media platforms lang sila visible.
Anyway, habang sinusulat namin ito ay wala pang reaction si Robin sa mainit na chikang pinag-uusapan sa kasalukuyan.

Samantala, maraming salamat naman sa lahat ng mga tumutok sa episode 89 ng TIPMMG – sponsored by Beautederm ni Ms. Rei Tan.

May pa-game pa kami next episode kaya tutok lang.

Salamat din kay John (Blindcaster) – isa siyang bulag na kabilang sa mga napapasaya ng aming programa na napapanood sa Facebook page ng Pilipino Star NGAYON and LatestChika. Ang ganda ng tulang ginawa niya at talagang alam mong nakasubaybay siya sa no. 1 digital talk show.

Sa mga hindi nakaabot ng live kahapon, maki-Team Replay sa FB ng PSN.

KYLIE PADILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with