^
Chef JR Royol, tanggap sa Farm To Table
Chef JR Royol
STAR/ File

Chef JR Royol, tanggap sa Farm To Table

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

Aprubado sa panlasa ng viewers ang pilot episode ng pinakabagong cooking show ng GTV na Farm To Table na pinangungunahan ng Kapuso chef na si Chef JR Royol.

Maganda, unique at fresh raw ang konsepto na hatid ng Farm To Table kung saan ang resident food explorer na si Chef JR ay bumibisita sa iba’t ibang farms sa bansa upang mangalap ng locally-produced ingredients at magluto ng mga putahe na naaayon sa paraan ng mga lokal.

Ikinatuwa at sinubaybayan naman ng food lovers at aspiring chefs ang pilot episode ng Farm To Table nitong nakaraang Linggo.

Sa isang  Instagram post ay ipinarating ni Chef JR ang kanyang lubos na pasasalamat sa mga nanood at tumangkilik sa kanilang unang episode, “Taos puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nag-abang na mapanood ang aming unang episode. Sa lahat din ng masigasig na nag-share at repost ng mga Farm To Table content - maraming salamat din po!”

Mapapanood ang Farm To Table tuwing Linggo, 6:15 p.m. sa GTV.

GTV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with