^

Sharon, gagawin ang Revirginized!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

Dahil sa ganda ng pagkapayat uli ni Sharon Cuneta, meron na nga itong sisimulang pelikula sa Viva Films na ididirek ni Darryl Yap.

Kapag obra ni Darryl Yap, kakaiba at malamang ibang-iba ito sa mga ginawa noon ng Megastar.

Revirginized ang title ng project na kung saan ay malamang na makasama raw ni Sharon ang ilang leading men na nakasama niya noon sa mga malalaki niyang pelikula. Wala pang na-finalize kung sino ang mga ito, pero tinitiyak daw nilang kakaiba at maganda ang kalalabasan.

Nakakapanghinayang lang kung sa digital ito mapapanood dahil hanggang ngayon ay wala pang katiyakan kung magbubukas na ba ang mga sinehan sa March 1 dahil mananatiling nasa GCQ pa rin ang Metro Manila.

Samantala, may isa pa raw inaayos ang Viva Films na malaking proyekto para kay Sharon. Hindi lang ibinigay ang detalye kung drama series ba ito kasama rin ang mga dati niyang ­leading man.

Pelikula ni Nora, tinitipid

Sa darating na Biyernes, February 26, ay magsisimula na ang shooting ng pelikulang Kontrabida ni Nora Aunor. Akala nga namin hindi na ito matutuloy dahil may ugong noon na masi-shelve na raw ito.

Ang Godfather Productions pa rin pala ang producer at excited na nga si Joed Serrano na nagkukuwento sa aming may isang malaking artista raw na maggi-guest na sasampal kay Ate Guy sa isang mahalagang eksena. Pero kinakausap pa rin daw ang nasabing malaking artista, pero hindi pa nag-commit. Sana nga matuloy.

Nanibago lang kami dito sa pangalawang project ng Godfather dahil medyo natitipid na raw ang production cost. Hindi kagaya ng Anak ng Macho Dancer na talagang todo ang gastos sa promo at ilang beses pa silang nagpa-presscon.

Sana itodo rin dito ng Godfather ang promo, at huwag sanang tipirin itong pelikula ni Ate Guy.

Nathalie, naasiwa kay Jane

Nakakatuwa ang motivation ng sexy actress na si Nathalie Hart na meron na palang sini­mulang negosyo na talagang hands on ang pag-aasikaso niya dahil mahilig talaga siya sa organics.

Kaya nabuo itong Gayatree Organics na cosmetic products mula sa Taiwan. Plant-based daw ito na orga­nics beauty products o skincare products at ipinapadala rito sa Pilipinas.

Siya ang nag-design ng packaging at pati ang pag-market nito. “I just feel na kailangan maparaan ka na ngayon eh. You have to have alternative jobs especially…at this time, you have to find something na puwede mong pagkakakitaan. I can feel that organic kind of skincare products is not much. Kaya naisip ko kung paano kaya gagawa ako ng company na ganun and I have to study it.

“I studied it for six months and then when I have the knowledge and everything and I found all the people that I can work with, then I opened the business,” pahayag ni Nathalie nang makatsikahan namin noong nakaraang Lunes.

Kaya ang ganda lang daw ng pasok ng 2021 sa kanya dahil bukod sa abala siya rito sa sini­mulan niyang negosyo, ay sunud-sunod din ang projects na ginagawa niya ngayon.

Katatapos lang ni Nathalie ng isang episode ng Wan­ted: Ang Serye, may gagawin na rin siyang soap opera sa TV5 at itutuloy na raw ang pelikula niya sa Viva na naudlot lang nang pumasok ang pandemya. Ito yung pelikulang Kunwari Mahal Kita, kasama niya rito sina Joseph Marco at Ryza Cenon.

Sa darating na Sabado ay tampok siya sa Maalaala Mo Kaya (MMK) na kakaiba rin ang kuwento sa episode na ito. Millennial Queer Women ang title na kung saan gaganap siyang isang tomboy. Medyo asiwa si Nathalie sa role na ginampanan niya dahil hindi raw siya nakaka-relate sa role na nagkagusto sa kapwa babae. Kasama niya rito si Jane Oineza na naka-ilang takes daw siya sa ilang intimate scenes na pinagawa sa kanya.

“Kasi when I look at her eyes, I can’t feel the love. Pero I have to do it kasi nakakahiya na with the director and my co-actor.

“Medyo nahirapan ako. Ang hirap mag-internalize,” kuwento ni Nathalie.

Hindi raw niya kasi maisip na magkagusto siya sa kapwa babae o kahit sa tomboy ay deadma raw siya noon sa mga type na ligawan siya.

SHARON CUNETA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with