^

Mestisong hunk actor na kontrobersyal ang lovelife, naungkat ang nakaraan sa mga parlorista

UBOS - Cristy Fermin (Pilipino Star Ngayon) - February 24, 2021 - 12:00am

Ang dami-dami talagang kuwento ng nakaraan na dapat ay nabubulok na sa baul ng alaala pero biglang nahahalukay kapag sumisikat na ang artista.

Nakaraan na ‘yun, wala namang kinalaman sa showbiz, pero patuloy na lumulutang dahil may pangalan na nga ang personalidad.

Tulad na lang ng isang pamosong hunk actor na napakakontrobersiyal ng lovelife. May mga kuwentong naglalabasan ngayon tungkol sa kanyang nakaraan nu’ng nangangarap pa lang siyang mag-artista.

Kuwento ng isang source, “Payat lang siya nu’n, pero kitang-kita na ang kaguwapuhan niya. kilala siyang tambay sa probinsiya nila. Palagi siyang nasa plaza, naglalaro ng basketball.

“Pero may kuwentong palagi siyang pinupuntirya ng mga beki sa lugar nila, pinagbibigyan daw naman ng hunk actor, kaya nagpipiyesta ang buong tropa nila!” pabiting unang kuwento ng aming impormante.

Bakit buong tropa ng male personality ang masayang-masaya kapag pumapayag ang kanilang kaibigan na sumama sa bading? Ano ang dahilan?

Patuloy ng aming source, “Di ba, ganu’n naman sa mga tropa sa probinsiya? Meron silang itinutulak na katropa sa mga beki? Dahil tisoy nga ang male personality, e, siya ang pang-match ng tropa!

“At masasaya ang mga ‘yun kapag may booking ang katro­pa nila dahil sigurado na ang mga bituka nila! May i-share kasi ang hunk actor sa mga katropa niya ng kung anumang biyayang nakukuha niya mula sa mga ­beking parlorista!

“Walang masyadong datungan kapag ganu’n, foodam lang, kaya kapag tapos na ang milagro, masaya nang kumakain ang magkakatropa!” dagdag na kuwento ng aming source.

Maraming kuwento tungkol sa hunk actor ngayong kilalang-kilala na siya. Palaging ikinakambal sa kanyang personalidad ang mga beking nagi­ging gay benefactor niya.

Sabi uli ng aming source, “Baggggoooo???? Bago pa ba naman ‘yun para sa tisoy na actor, e, batambata pa nga lang siya, meron na siyang mga ganu’ng karanasan?

“Plaza boy na nga ang tawag sa kanya kahit nu’ng binatilyo pa lang siya, di ba? Kiyemeng naglalaro lang sila ng basketball, pero kapag may mga beking rumarampa sa plaza, ‘yun na ‘yun!

“Hindi na nakaka-shock ang kuwento tungkol sa kanya, lumang tugtugin na ang pakikipagchurvahan niya sa mga beki, inaamag na kuwento na ‘yun tungkol sa hunk actor na kilalang-kilalang babaero!

“Bago pa ba naman ‘yun? Sanay na sanay na ang male personality sa mga kuwentong beki!” pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Julia at Joshua, mas tanggap pa rin ng fans

Nakasilip din ng pagkakataon sina Gerald Anderson at Julia Barretto para ipaglantaran na ang kanilang relasyon. Nagpalipas lang sila ng panahon para hindi sila bombahin sa social media.

Hindi sila puwedeng magtago sa lahat ng panahon, nakakapagod ang pagtatago, kaya kailangan na nilang lumantad.

Kung umamin na sila agad nu’n pa man ay napakadelikado ng kanilang magiging aksiyon lalo na para kay Julia. Lalabas kasi ang katotohanan na nagkasabay sila ni Bea Alonzo sa buhay ni Gerald.

Pumasok si Julia sa relasyon nang hindi pa naman naghihiwalay nang pormal sina Gerald at Bea. Natural, lalabas na manunulot si Julia, kaya kinailangan munang pahinugin nila ni Gerald ang kanilang relasyon bago sila umamin.

At hanggang ngayon ay wala pa rin naman silang diretsong inaamin na sila na nga. Mga larawan lang nilang palaging magkasama sa beach house ng hunk actor ang nagbubunyag na totoong sila na nga.

Hanggang ngayon kasi ay inuupakan pa rin sila sa social media, awang-awa ang mga netizens kay Bea na nagpakatotoo kay Gerald, pero ipinagpalit din sa ibang babae.

Hinintay rin siguro nina Julia at Gerald na may iba nang lalaking iniuugnay kay Bea, si Dominic Roque, na hanggang ngayo’y tagung-tago pa rin sa publiko kung mag-ano na nga ba sila?

Sabi pa ng isang basher, “Poor, Julia! Kung ano ang ginawa ni Gerald kay Bea, ‘yun din ang mangyayari sa kanya! Magsisisi rin siya sa bandang huli!”

Buhay na buhay pa rin ang mga tagahanga nina Julia Barretto at Joshua Garcia, lalo na ngayong halos dalawampung milyon na ang views ng piyesang Paubaya ni Moira dela Torre na sila ang bumida sa MTV, sapul na sapul du’n sina Julia at Gerald.

Si Joshua Garcia pa naman, napakagaling umarte, lalo na kapag may malalim na hugot ang aktor sa kanyang mga sinasabi at ginagawa.

Sa totoo lang!

JOSHLIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with