^
Gerald at Julia, hinintay munang lumigaya si Bea
Julia

Gerald at Julia, hinintay munang lumigaya si Bea

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2021 - 12:00am

Lumantad na raw sina Gerald Anderson at Julia Barretto. Open na raw sila ngayon na ipakita ang kanilang relasyon dahil hindi na sila nagtatago.

Eh bakit ba kailangang magtago?

Pareho silang single, free to mingle, ano ang dapat itago?

Actually nga, parang bagay ang personality nila sa isa’t isa, at parang mas swak sila kung sakali dahil parang they both enjoy the same thing.

‘Yung hilig ni Gerald sa water, ‘yung happy go lucky attitude, parang ganun din si Julia, kaya siguro naging tempting para sa kanila na maging magkarelasyon.

Mukhang happy na rin naman si Bea Alonzo, kaya it’s about time na ipakita na rin nina Gerald at Julia kung ano talaga ang relasyon nila. Parang unfair naman na nakatago kayo eh wala naman kayong ginagawang masama.

In every relationship, puwedeng mag-fall out of love ka, hindi puwede na kahit wala ka nang feelings, itutuloy mo pa rin ang relasyon n’yo.

So, may bago kang mahal, understandable na ito ngayon ang nasa tabi mo.

In fairness, hinintay naman nina Gerald at Julia na mukhang happy na si Bea bago sila lumantad, if talagang open na nga ang relationship nila ngayon.

Everybody happy, walang basagan ng trip, wala nang iiyak, tapos na ang ghosting, puwede nang lumantad.

Kasal ni Ara, over the top

Natutuwa na sana ako sa balitang natagpuan na ni Ara Mina ang lalaking mamahalin habambuhay. Nakakatuwa dahil matapos ang ilang pagkabigo sa relasyon, heto at kahit pa nga meron ding konting intriga sa magaganap na wedding nila dahil sa past relationship ng groom, ok pa rin, dahil si Ara Mina ang pinili na ihatid sa altar.

Hindi ko lang nagustuhan ‘yung nasusulat na P2.8M ‘yung worth ng ring at P10K per plate ang pagkain sa reception.

Pera naman nila iyon, ok lang, pero ‘di ba in bad taste na ngayong pandemic at pinag-uusapan pa ‘yang mga ganyang halagang? Bilyonaryo ba ang groom? Multi-millionaire? P10K per plate, talagang merong presyo at P2.8M ang worth ng ring, ang grande ha.

Sana naman inisip ni Ara Mina na para bang over the top naman ang mga ganitong balita, na para bang nakakawala ng romance dahil merong presyo na naka-tag. Saka ok lang kung hindi nabalita noon na merong ibang babae na involved na puwedeng umiiyak ngayon, o baka iyon nga ang purpose, ang lalo pang umiyak ang babae na naiwan?

Sana, Ara, medyo dahan-dahan sa mga pasabog, hindi classy ‘yung may pinag-uusapang presyo, parang may konting yabang. Ok na maging maligaya ka, huwag na may presyong nakakabit, mas maganda at romantic pang lalabas.

Happy wedding at congrats.

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with