^
Derek nagtatanong pa sa mga kaibigan kung ok dyowain si Ellen
Ellen

Derek nagtatanong pa sa mga kaibigan kung ok dyowain si Ellen

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula (Pilipino Star Ngayon) - February 23, 2021 - 12:00am

Isang kaibigan daw ang tinanong ni Derek Ramsay kung okay ba sila ni Ellen Adarna. Hindi lang ako sure kung negative ang sagot ng kaibigang iyon.

Kahit wala pa namang inaamin ang dalawa pero madalas naman silang magkita.

Kahapon lang sa kanilang IG story ay magkasama na naman silang nag-eensayo. Nagba-boxing sila kasama ang ilang kaibigang nagti-train sa kanila.

Isang non-showbiz friend din ni Derek ang nag-post na mukhang nagkakamabutihan na talaga sina Derek at Ellen. Nasa IG din nung kaibigan ni Derek na kasabay nitong nagdya-jumping rope si Ellen.

Noong Linggo ng gabi rin iyon ay magkasabay silang nag-eensayo ng boxing at nag-dinner na ipinost din ng Kapuso actor.

Sinubukan din naming i-text si Derek kung sila na nga ni Ellen pero hindi pa ito sumasagot.

Aktor na walang lovelife, ginagastusan ang kinokolektang mga laruan

Naaliw kami sa kuwento ng isang kaibigang naka-lunch namin kamakailan lang.

Bumili raw siya ng ilang mamahaling toys na nakahiligan ding ikolekta ng kliyente niya.

Mabuti na lang daw at maaga siyang dumating sa toy store na iyon somewhere in Makati. Dahil pagkatapos daw niyang bumili ng tatlong toys na tig-50 thousand each, nagpabili na raw itong sikat na aktor ng mga toy na kinahuhumalingan niya.

Ang ikinaloka raw niya, inubos daw lahat ni sikat na aktor ang toys sa store na iyon.

Mahilig naman kasi talaga siya sa games at pati ang pagkolekta ng toys na ang iba ay parang kasinlaki na raw ng poon ang binibili nito. Ang iba raw ay inu-order pa sa China kaya kumpletong kumpleto na raw ito dahil lahat binibili.

Kuwento nga ng kaibigan na­ming kabibili lang ng tatlong toys na ipanregalo, gustung-gusto raw ng may-ari ng toy store itong si sikat na aktor dahil lahat na tinda niya inuubos. Napakabait pa raw kausap. Kinokolekta raw ang toys na iyon, ang iba naman ay ipinang­reregalo rin o kaya papremyo kapag may pa-games siya.

Super yaman naman kasi niya at wala naman siyang ibang bisyo kundi itong kinahihiligang games at pangongolekta ng toys. Kaya masaya na lang tayo sa kanya. Pero siyempre, mas masaya ang lahat kapag magka-lovelife na siya ngayong taong ito.

Pia, hinihintay tumambling

Tuparin kaya ni Pia Wurztbach ang pangako niyang ta-tumbling siya kahit hindi naman siya marunong mag-tumbling, kapag nag-number one trending na ang podcast program niya sa Spotify?

Kahit nasa bakasyon pa rin ito sa Morocco kasama ang boyfriend niyang si Jeremy Jauncey, super promote siya sa programa niyang Between Us Queens na kung saan kasama niya rito ang kapwa beauty queens na sina Carla Lizardo at Bianca Guidotti.

Sinabi nga niya sa kanyang IG live na ta-tumbling daw siya talaga kapag mag-number one trending sila sa Spotify, at ayun nang ibinalita natin dito, umakyat na nga sila at number one at trending na sila ngayon kahit wala pa silang isang linggo sa Spotify.

Kaya, sana i-post niya sa kanyang Instagram ang pag-tumbling niya sa sobrang tuwa dahil pataas nang pataas pa ang streams nila at parami nang parami ang followers.

Kahapon ay ipinost ni Jeremy na nasa Tangier na sila, isang lungsod din sa Morocco at ang ganda rin nang tinirhan nila doon na inspired sa Indiana Jones.

 


a

ELLEN ADARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with