^

PSN Showbiz

Kapamilya actor naudlot kay Lovi!

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Kapamilya actor naudlot kay Lovi!
Lovi

Tama ba ‘yung tsikang narinig ko na noong una, isang Kapamilya actor daw ang dapat makakapareha ni Lovi Poe sa Owe My Love ng GMA 7?

Last year pa nagsimulang mag-taping ang romantic-comedy series ng Kapuso network, pero bago daw na-casting doon si Benjamin Alves, isang ABS-CBN actor daw ang unang sinabing makakapareha roon ni Lovi.

Ano kaya ang nangyari at hindi natuloy ang paglipat ng Kapamilya actor na ‘yon sa Siyete?

Well…

Snooky, duwag pa ring lumabas

Sa tsikahan namin minsan ni Snooky Serna, nagsabi siya na mag-out of town kami ng manager niyang si Leo Dominguez at kaibigang si Direk Bam Salvani. Type raw ni Snooky na mag-Tagaytay City.

Sabi ko kay Snooky, ayokong maniwala na willing na siyang mag-out of town dahil alam ko na hanggang ngayon ay takot pa siyang lumabas ng bahay.

Actually, lumalabas lang siya kapag may work at may COVID-19 swab testing.

Kirst, itinanggi si Kiray

Birthday ng hunk actor/model na si Kirst Viray noong February 17.

Na-link noon si Kirst kay Kiray Celis at marami nga ang nagdudang naging magkarelasyon talaga silang dalawa.

Pero kapag nakakatsikahan ko si Kirst at binibiro tungkol sa relasyon nila ni Kiray, sinasabi niyang wala talaga. “Pero sobrang bait po si Kiray!” sey ni Kirst.

Wala naman daw talaga silang naging relasyon, kaya hindi rin daw sinakyan ni Kirst ang pagli-link sa kanilang dalawa, pero friends daw talaga sila.

So, bumati ba ng “Happy Birthday” sa kanya si Kiray? “Yes, nag-greet naman po,” sabi ni Kirst.

Kasosyo sa isang restaurant sa may 26 Scout Torillo, Quezon City si Kirst, ang Mangan Tila Pigar-Pigar at sa isang chat daw nila, inimbitahan niya si Kiray roon.

Pero siyempre, sinabi niyang isama ni Kiray ang boyfriend nito na si Stephen Estopia.

Pero malamang, matatagalan pa bago makapunta si Kiray sa restaurant ni Kirst dahil busy pa ang GMA 7 comedian sa lock-in taping ng Owe My Love na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves na  hanggang sa March 10 pa ang lock-in taping.

Kung may Owe My Love si Kiray, nasa lock-in taping naman ng Init Sa Magdamag ng ABS-CBN at pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Yam Concepcion at JM de Guzman si Kirst.

vuukle comment

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with