_ngayon
^

PSN Showbiz

Mga kakandidatong senador sa 2022 gustong mapanood sa Eat Bulaga

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Pero wagi ng 60k... Sec. Roque, na-epal alert

Wheww, nag-trend ang guesting ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon sa Eat Bulaga na nag-dialogue na virgin pa siya. “Magtatapat po ako. Ang aking pagtatapat, ako po ay virgin.Virgin, dahil kauna-unahan ko po ito makapunta dito sa Eat Bulaga,” hirit ng spokesperson ng Malacañang na kumakanta pa ng Pare Ko ng Eraserheads bago naglaro kaya naman na-epal alert agad sa social media.

Sinabi niya na patuloy pa ang paghihintay natin sa bakuna dahil dumaraan pa raw ito sa matinding pagsusuri.

At nang tanungin siya ni Bossing Vic Sotto kung kelan na ba talaga darating ang vaccine sa Pilipinas, sagot nito, na-delay dahil nga raw, humihingi ang mga pharmaceutical company ng assurance na hindi sila kakasuhan tulad sa nangyari sa Dengvaxia. “Alam mo sa totoo Boss Vic, lahat tayo inip na inip na, kasi natakot ‘yung mga manufacturer noh, we have Pfizer, AstraZeneca gusto nila ngayon magkaroon ng assurance na hindi mangyayari ‘yung nangyari sa Dengvaxia na dinemanda ‘yung gumawa ng bakuna ngayon.

“So ang sabi nila, emergency used authorization, so gusto namin, dahil meron namang pandemya at nagsasabi ang mga eksperto na mas mabuting magpabakuna, kesa wala, eh, huwag kami mademanda. ‘Yun lang po ang dahilan kung bakit tayo naaantala,” paliwanag ni Sec. Roque na panay  din ang banggit sa GMA reporter na si Joseph Morong na madalas niyang nakakabalitaktakan sa press briefings.

Naipanalo naman niya ng P60,000 ang home partner niyang taga-Leyte.

Isang malapit na kay Sec. Roque ang nag-confim na kakandidato nga itong senador sa 2022 at magandang exposure ang guesting niya sa Eat Bulaga kahapon.

Bukod kay Sec. Roque, isa pang diumano’y kakandidatong senador sa 2022 ay si MMDA Asec. Celine Pialago na narinig kong gusto ring mag-guest sa Bawal Judgmental ng Eat Bulaga na kumalat ang photo with John Lloyd Cruz days ago matapos itong mag-dine in sa kanilang restaurant.

Hindi ko lang sure kung nakapag-guest na ang controversial na Asec. ng MMDA dahil nga may nag-chika na months ago pa na inaayos ang appearance nito sa EB.

EAT BULAGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with