^

PSN Showbiz

Luis, may ‘pasabog’ sa YFSF

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Luis, may �pasabog� sa YFSF
Luis
STAR/ File

Handa na ang Your Face Sounds Familiar (YFSF) sa mga pasabog nito sa ikatlong season tampok ang pagpapalit ng anyo at boses ng mga celebrity na kalahok at nag-umpisa na kagabi.

Makakasama tuwing Sabado ng 8 p.m. at Linggo ng 7:30 p.m. ang Pambansang Host na si Luis Manzano at ang mga miyembro ng Jury na sina Mr. Pure Energy Gary Valenciano, King of OPM Ogie Alcasid, at Megastar Sharon Cune­ta, at celebrity mentors na sina Jed Madela and Nyoy Volante, na gagabay sa mga kalahok sa kanilang mga performance.

Kabilang sa mga tumanggap ng hamon sa paggaya sa mga sikat na performer sa bansa at sa mundo sina Christian Bables, CJ Navato, Geneva Cruz, Jhong Hilario, Klarisse de Guzman, Lie Reposposa, Vivoree Esclito, at ang  iDOLLS na sina Lucas Garcia, Matty Juniosa, at Enzo Almario.

Tumataginting na P50,000 ang mapapanalunan ng winner kada linggo habang P1 milyon naman ang naghihintay para sa kampeon ng season.

Ngayong taon, mas gaganahan pa ang mga tumatangkilik sa programa dahil magkakaroon ng gap show ang YFSF sa Kapamilya Online Live kasama sina Darren Espanto at AC Bonifacio.

Anyway, si Billy Crawford ang original host ng YFSF na sa TV5 na napapanood.

vuukle comment

YFSF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with