^

PSN Showbiz

Alessandra at Assunta, nababaliw kay Fiore

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

“The best and craziest mother in the world” kung i-describe ni Alessandra de Rossi ang ate niyang si Assunta de Rossi.

Aliw na aliw si Alessandra kapag binibihisan ng kung anu-anong costume ni Assunta si Baby Fiore.

Noong Chinese New Year, naka-red si Baby Fiore at noong Valentine’s day naman, may mga puso ang damit ng baby.

Para kay Assunta naman, the best auntie si Alessandra kay Baby Fiore.

Palaging dumadalaw si Alessandra kay Baby Fiore dahil madalas niyang nami-miss ang first pamangkin. Pero to be sure, nagpapa-swab test si Alessandra na aliw na aliw sa pamangkin dahil malikot na ito. Maingay na rin si Baby Fiore, kaya mas lalo silang nababaliw sa pamangkin.

Anyway, ngayong araw na ito (9:30 a.m. at 5:00 p.m.), mapapanood sina Alessandra at Assunta sa I Feel U sa YouTube channel at Facebook account ng Star Cinema.

Maraming pag-uusapan ang mag-ate at may bukingan din sila with Toni Gonzaga na nakasama pala nila noong araw sa Bubble Gang ng GMA 7.

Naka-monitor ako noong mag-online taping sila at nakakaaliw ang guesting na ‘yon nina Alessandra at Assunta sa online show ni Toni.

‘Yun na!

Janine walang sagot na ‘no’ sa manager

Naku, Ateng Salve, sa panahon talaga ng COVID-19 pandemic at sa tinatawag na “new normal,” kailangan talaga na maging matatag ang isang relasyon para lalo itong magtagal.

Like sa mag-sweethearts na Janine Gutierrez at Rayver Cruz, kahit pandemic, pareho naman silang busy.

Now, nasa Bicol si Janine para sa shooting ng isang pelikula at pagbalik niya, may one day shoot pa nga siya sa isang naiwang project, ‘yung Half World ng HBO, then story conference na sa first teleserye niya sa ABS-CBN at after, may gagawin pa pala siyang movie under Regal Entertainment, Inc., huh!

Ang boyfriend naman ni Janine na si Rayver, abala sa ilang projects sa GMA 7 at magsisimula rin daw ng lock-in taping sa isang bagong series ang binata. Ang dinig ko, 40 days ang lock-in taping doon ni Rayver.

So, dahil pareho nga silang busy sa lock-in projects, plus need pang mag-quarantine kapag nag-PCR swab test, parang hindi na sila madalas magkita.

Pero mukhang ok lang naman ‘yon kina Janine at Rayver dahil matatag naman ang kanilang relasyon. Saka sa panahon ngayon, siguradong ang tiwala sa isa’t isa ang lalong nagpapatibay sa relasyon nila, huh!

Nakakatuwa nga pala na nang makausap ko ang handler ni Janine na si Rey Lañada, naikuwento niya na bilib siya sa pagiging dedicated ng dalaga sa career. Basta may ibinigay raw siyang schedule sa aktres, yes lang daw palagi ang naririnig niya sa dalaga.

“Never nag-no. Never din nagsabi na magpapa-block-off siya ng schedule!” sey ni Rey.

Kapwa nga masipag mag-work sina Janine at Rayver!  So nice!

vuukle comment

ALESSANDRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with