^

PSN Showbiz

Kar-Jon, maraming naging misunderstanding

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kar-Jon, maraming naging misunderstanding
Karina Bautista at Aljon Mendoza

Nagsimula ang tambalan nina Karina Bautista at Aljon Mendoza sa Pinoy Big Brother noong 2018. Mula noon ay marami nang proyekto ang pinagtambalan ng dalawa. Marami na rin umanong napagdaanang pagsubok ang tambalan ng Kar-Jon. “It’s not a secret naman what we’ve been through. The biggest challenge was a lot of misunderstandings along the way and ‘yung pagbe-vent namin through a lot of platforms. Ac­tually, it has been a great experience na after no’n parang we realized kung gaano talaga kaimportante ang communication and the respect for one another. Naging way siya para ma-enlighten pa kami. Talagang mas tumatak sa amin kung ano ba talaga ‘yung gusto namin, why are we doing this, is this for the career, is this what we want for ourselves? And of course, we draw lines naman between work and personal life,” pagbabahagi ni Karina.

 Masaya naman si Aljon dahil kahit paano ay nalampasan nila ni Karina ang mga naging pagsubok ng kanilang tambalan. “’Yung biggest na naging problem is ‘yung latest, basta nagka-misunderstanding nga kami. Pero para sa akin, ‘yun ang part ng pag-grow namin. May natutunan kami and tatatak talaga sa amin ‘yon. Mas naging strong ‘yung aming samahan after ng mis­understandings na ‘yon. ‘Yung level ng friendship namin is parang iba eh, parang nagkaroon ng ibang dimension. So na-e-enjoy ko ngayon ibang level siya,” makahulugang pahayag ni Aljon.

Mickey, may pinagsisisihan

Nakararamdam ng pagsisisi si Mickey Ferriols dahil napabayaan niya ang showbiz career noon. Namamayagpag ang career ng aktres noon nang makarelasyon si  Archie Alemania. Nagkaroon ng isang anak sina Mickey at Archie. “Ngayon madalas mangyari na I looked back on the day when I was starting. I had offers from ganitong network and I had a stable hosting job, pero inuna ko ang personal life, ‘yung love life. I didn’t know better na ngayon, ‘pag iniisip ko, lagi kong sinasabi na sana, ‘Dapat ito ang inuna mo, sana ganito.’ Kasi ‘yung mga inuna ko no’ng panahon na ‘yon wala na. ‘Yung love life ko noon wala na. Mas naging maganda sana ang career ko kung hindi ‘yung mga love life na ‘yan ang inuna ko,” pagtatapat ni Mickey.

Kahit matagal nang hiwalay sina Mickey at Archie ay magkaibigan pa rin ngayon ang dalawa para sa kapakanan ng anak nilang si Brent. Ayon sa aktres ay talagang malapit ang loob ng anak kay Archie. “Wala kami ‘yung strict rules na dumaan sa korte. Ang iniisip ko kasi si Brent needs Archie as much as he needs me. So Archie can see him anytime. Ang alam ko nga in April pupunta yata silang mag-ama sa Boracay to celebrate his birthday. Very close siya kay Archie and sa akin,” kwento ng aktres.

Samantala, kamakailan ay pumirma na ng kontrata si Mickey sa Viva Artists Agency. Nakahanda nang muli ang aktres na gumawa ng mga proyekto ngayon. “Ang role kasi na­ming mga actor is to act eh. So whatever new challenge or whatever new role is given to me, I would gladly welcome that. Medyo wala lang sigurong torrid-torrid (kissing scene) na. Hindi ko yata kakayanin ‘yon,” pagtatapos ng aktres. Reports from JCC

 

vuukle comment

PINOY BIG BROTHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with