^

PSN Showbiz

Sharon at Angel, pinagkukumpara

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Sharon at Angel, pinagkukumpara
Sharon at Angel

Big deal talaga ang pagpayat ni Sharon Cuneta at pagtaba naman ni Angel Locsin.

Kasi nga siyempre for the longest time na nakikita ng tao na overweight si Sharon, at sexy body naman si Angel, nagtaka sila na baligtad ngayon ang pangyayari.

Dahil nga siguro hindi mo aakalain na kakarerin ni Sharon ang pagbabawas ng timbang, at mabigla ka naman na one day basta na lang naging chubby si Angel.

May mga bagay kasing hindi maiwasan, like si Angel dahil sa intake ng medicines naging dahilan para lumobo ang katawan, si Sharon naman dati walang pakialam sa diet kaya medyo tumaba rin.

Pero sure ako na pag seryosong disiplina uli ang gagawin ni Angel, back to Darna days ang katawan niya. Baka lang relax na relax siya now, at ok lang kung mag-gain ng weight kaya ganun.

Kung nagawa ni Sharon, sure na puwede rin gawin ni Angel, lalo

pa nga at tiyak na mas gusto niya na beautiful body siya sa araw ng wedding nila ni Neil Arce.

Beautiful face naman, kahit chubby puwede na, saka now, mas uso ang big size kesa ultra small di bah! Go Angel, basta happy ka, why bother?

Deja vu...

Parang deja vu iyon mga nangyayari ngayon sa paligid. Parang lahat nagpa-flash back sa nangyari last year na announcement ng quarantine at mga lockdown.

Para bang hanggang ngayon, isang hazy dream ang naganap, iyon lumipas ang araw na hindi pa rin natin mapaniwalaan na meron pandemic at nangyari ito sa buong mundo.

Iyon ngang makita mo na marami ang mga tao na naglalakad sa kalye, mga sasakyan at nagkakaroon na uli ng traffic, parang bago na sa pakiramdam, dahil nangyari na halos walang tao sa labas at konti lang ang sasakyan.

Kaya nga marami kang maririnig na ‘last year, ganito, ganyan’, one year ang mabilis lumipas, heto pa rin tayo, tuloy ang buhay.

Kaya nga lahat kaya natin dahil iyon sa attitude natin na que sera, sera, whatever will be, will be.

Kahit ano pa iyan, Ok lang, basta buhay.

vuukle comment

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with