^
Sarah, challenging ang buhay may-asawa
Sarah

Sarah, challenging ang buhay may-asawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 18, 2021 - 12:00am

Isang taon na halos ang nakalilipas nang magpakasal sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Matatandaang February 20, 2020 nang lihim na magpakasal ang dalawa. Kahit masaya ang buhay may-asawa ay maituturing umano ni Sarah na talagang challenging din ang kanyang sitwasyon ngayon. “The marriage itself is a blessing, an opportunity to spend the rest of your life with your loved one. ‘Yung napili mo talaga na makasama sa buhay, partner in life. Challenging kasi sa situation ko parang ito na ‘yung big leap ko papunta sa adulting. Sinasabi ko nga lagi, na-expedite. Masyado na ngang long overdue. But I guess ito talaga ang plano para sa akin,” makahulugang pahayag ni Sarah.

Kahit mayroong mga hamon na kinakaharap paminsan-minsan ay masasabi naman ng Pop Star Royalty na masarap sa pakiramdam na nagkaroon na siya ng kalayaan kasama si Matteo. “Rewar­ding siya dahil ‘yon nga, kasama mo ang mahal mo sa buhay. Tapos you have the freedom. You get to choose and decide for yourself, not just for yourself but for the both of you, you become one, as one na kayo,” paliwanag niya.

Iza, ngayon lang nagkaroon ng magaang trabaho

Masayang-masaya si Iza Calzado dahil natupad na ang kanyang pangarap na makagawa ng isang proyektong romantic-comedy ang tema. Sa halos dalawang dekadang pananatili sa industriya ay ngayon lamang ito nasubukang gawin ng aktres. “I’ve always wanted to show also a part of me, the real me. Makulit ako, tawa ako nang tawa. Playing that was just so natural for me. Ang tagal ko siyang pinangarap. I never thought it was going to come. I never thought I would be given this opportunity,” nakangiting pahayag ni Iza.

Magkatambal ang aktres at si Ian Veneracion sa B & B: The Story of the Battle of Brody and Brandy. Mapapanood ang naturang online series sa pamamagitan ng WeTV at iFlix. Para kay Iza ay ito na marahil ang pinakamagaan na trabaho na kanyang nagawa mula noon. “It’s the lightest I’ve done. I’ve been in comedy films but I’m always given the serious role. Walang lightness masyado and I’ve always wanted to do something light because I feel quiet light. It’s hard, it’s light. It’s hard in this industry you get pigeonholed sometimes,” paglalarawan niya

Malaki ang pasasalamat ni Iza kay Ian dahil sa paggabay sa kanya ng aktor sa trabaho. Talagang nanibago raw ang aktres lalo na noong mga unang araw sa taping. “How do I do this? Am I doing it correctly? I’m so glad talaga na si Ian lang kasama ko. Because he does it so well. He’s effortless,” kuwento ng aktres.

-Reports from JCC-

MATTEO GUIDICELLI SARAH GERONIMO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with