_ngayon
^

PSN Showbiz

Beking personalidad, dala pa rin sa tagumpay ang pagiging benggador

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Mismong mga dating katrabaho at kaibigan ng isang pamosong beking personalidad ang nagkokomento na mawala lang ang kanyang pagiging benggador ay kumpleto na sana ang kanyang tagumpay.

Nasa kanya na ang lahat na impernes ay galing naman sa kanyang pagpapagod, ang puhunan niya sa yamang meron siya ngayon ay pawis, luha at dugo, kaya dapat lang siyang yumaman.

Pero may isang negatibong katangian ang sikat na gay personality na mula nu’ng nag-uumpisa pa lang siya hanggang ngayon ay dala-dala pa rin niya, mahirap siyang makalimot sa mga taong minsan isang panahon ay hindi niya nakasangga sa laban, mapagtanim siya ng galit.

Kuwento ng aming source, “’Yun na lang ang kailangan niyang tanggalin para maging happy na talaga siya. Hanggang may bitbit pa rin kasi siyang galit sa puso niya, e, hindi siya magiging maligaya.

“Puwede siyang maging masaya, pero ‘yung true meaning of happiness, hindi niya ‘yun maa-achieve hanggang marami siyang galit sa puso,” unang sultada ng aming source.

May mga nakabangga siya nu’ng nagsisimula pa lang siya, may kayabangan na kasi ang komedyanteng ito kahit nu’n pa, hanggang ngayon pala ay bitbit pa rin niya ang mga ganu’ng karanasan.

“Mismo! Hanggang ngayon, e, hindi niya nakakalimutan lahat ‘yun! Ima­gine, dekada na ang nakararaan, pero naaalala niya pa rin ang mga taong nakaaway niya nu’n!

“Di ba, dapat nga, e, wala na siyang naaalalang ganu’n dahil very successful na siya ngayon? Pero ugali na kasi niya ‘yun! Kahit nga ang mga kapitbahay nilang hindi maayos ang tingin sa kanya nu’n, e, nasa isip pa rin niya!

“’Yung mga nataypan niyang mhin na hindi pumatol sa kanya, pinagtatawanan na lang niya ngayon dahil super-yaman na nga siya!

“Kaya kahit nasa top of the world na siya ngayon, e, marami pa rin siyang hanash, nagiging nega tuloy siya, dahil negative thoughts ang nasa puso niya.

“Mawala lang ang ugali niyang ‘yun, e, panalung-panalo na sana siya, kaya lang, ‘yun na talaga siya, e! Hindi talaga siya makalimot, benggadora siya, hindi maganda ‘yun!

“Let go na lang dapat siya sa mga hindi kagandahang nangyari sa buhay niya, anyway, napremyuhan naman siya nang sobrang ganda!

“Tantanan na ang galit, itapon na ang poot sa puso, para maging super-positive na ang buhay at career niya!” pagtatapos ng napapailing naming source.

Ubos!

Sen. Manny decided nang kumandidatong presidente!

Isang source na hindi nanununog at nangunguryente ang nagbulong sa amin na sigurado na ang pagtakbo sa panguluhan sa 2022 ni Senador Manny Pacquiao.

Ang unang lumabas na balita ay si Pacman ang makaka-tandem ni Mayor Sarah Duterte, pero biglang nagbago ang ihip ng hangin, ang Pambansang Kamao na pala ang tatakbong pangulo.

Siguradong makakatikim ng bashing ang senador-boksingero kapag pumutok na ang kanyang plano, sa tindi ng teknolohiya ngayon ay tiyak na manginginain ng bashing si Pacman mula umaga hanggang hatinggabi, panigurado na ‘yun.

Tanong ng isang kaibigan namin, “Parang napakalaking paglundag naman yata ang ambisyon ni Senator Pacquiao? Sana, makapagserbisyo pa muna siya bilang senador, hindi ganyan na tatakbo na siyang presidente!

“Hindi naman boxing arena ang election na anytime niyang gustong lumaban, mag-eensayo lang siya, tapos, boksing na! Mukhang mali ang decision niya! Magpahinog naman muna sana siya!” komento ng aming kausap.

Totoong marami pang bigas na dapat isaing at kainin ang Pambansang Kamao sa mundo ng pulitika. Sa sukatan ng ating mga kababayan ay kulang na kulang pa siya.

Iba ang kinagisnan niyang mundo ng boksing sa pulitika, hindi ito palakasan ng suntok, kapasidad sa larangan ng batas ang barometro sa serbisyo-publiko.

Pero heto na naman ang papel na ginagampanan ng destiny sa ating buhay. Paano nga naman kung nang ipanganak si Pacman ay naka­guhit na sa kanyang palad ang pagiging pangulo?

Sino ba ang mag-aakala na ang dating nagtitinda ng pandesal sa GenSan ay magiging sikat na boksingero pala sa buong mundo at sino rin ang mag-iisip na ihahatid pala siya ng kasikatan niyang ‘yun sa Senado?

Kung hindi na magpapalit ng desisyon si Senador Manny Pacquiao sa pagtakbong pangulo ay kailangan na niyang ihanda ang kanyang sarili sa mga pamatay na suntok ng kanyang mga makakatunggali sa posisyon.

Titilad-tilarin siya, susukatin ang kanyang katalinuhan, ang entablado ng pulitika ay hindi parang boxing arena na oras na bumagsak na ang kanyang kalaban ay iaangat na ang kanan niyang kamay at susuutan na siya ng championship belt.

Nanang kupo!

 

ARTIST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with