^

PSN Showbiz

Jinggoy, kabisado na ang game show

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon
Jinggoy, kabisado na ang game show
Jinggoy

Bukas ang birthday ni former Senator Jinggoy Estrada.

Magbe-break muna si Jinggoy sa online game show niya na JingFlix na napapanood sa official Facebook page niya.

Pero babawi naman siya, dahil mamaya raw siya may pa-game show.

Four times a week ang hosting niya roon, tuwing Monday, Wednesday, Friday at Saturday.

May sponsors din siya sa JingFlix, pero kadalasan dahil marami rin ang humihingi ng tulong sa kanya (usually, ‘yung may mga sakit ang luma­lapit sa kanya), abonado rin  ang aktor/pulitiko.

Actually, Ateng Salve, in fairness, okey ang viewership ng online game show na ‘yon ni Jinggoy, huh! Libu-libo nga ang nakatutok sa kanila kapag naka-online ang JingFlix.

Bagay rin si Jinggoy na ma­ging game show host at sanay naman siyang magkawanggawa.

Ano kaya kung magkaroon siya ng game show sa TV? Puwede!

Anyway, Happy Birthday tomorrow, Jinggoy!

Ogie, hinintay sa YFSF

Parehong negative ang result ng COVID-19 PCR swab test ng mag-asawang Ogie at Regine (Velasquez) Alcasid, kaya naman puwede na silang bumalik sa kani-kanilang mga trabaho.

Nang lumabas na negative nga sila noong isang araw, in-announce kaagad ng ABS-CBN na sa Feb­ruary 28 na matutuloy ang Freedom virtual concert ng Asia’s Songbird.

Si Ogie, naka-text ko rin noong isang araw at masaya nga sila na after nilang ma-expose sa isang nag-positive sa COVID-19 ay healthy naman silang mag-asawa.

Kung si Regine ay naapektuhan ang Freedom virtual concert na ang original schedule sa KTX.ph ay noong February 14, Valentine’s day, si Ogie, naapektuhan naman ang three taping days ng Your Face Sound Familiar.

Judge siya sa pagbabalik sa ere ng nasabing show at kasama niya roon sina Sharon Cuneta at Gary Valenciano.

Eh, last week sana ang three taping days nila, pero dahil kinaila­ngang mag-quarantine ni Ogie, bulilyaso ‘yon.

Pero at least, nag-pack-up sila at hindi kumuha ng guest judge, meaning, important talaga siya sa YFSF, huh!

Bukas na ang first taping day nila at excited si Ogie na magkakasama uli sila ng Megastar at Mr. Pure Energy sa show na ‘yon. Bale hanggang Friday sila magte-taping para may advance episodes na sila.

Inaasikaso rin nga pala niya ngayon ang Vir­tually Yours, KilaboTitos virtual concert nila ni Ian Veneracion na produced ng The A-Team company niya dahil sa March 26 na ‘yon sa KTX.ph.

vuukle comment

JINGGOY ESTRADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with