_ngayon
^

PSN Showbiz

Feb-ibig ng ABS-CBN, patuloy na ibinibida ang pag-ibig

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Feb-ibig ng ABS-CBN, patuloy na ibinibida ang pag-ibig
KathNiel

Damang-dama pa rin ang pag-ibig ngayong Pebrero sa pagbabalik ng temang Feb-ibig ng ABS-CBN na ipinapaa­lala sa mga Pilipino na ipadama ang kanilang pagmamahal sa ka­bila ng mga limitasyon ngayong panahon.

Kasama ang mga bituin mula sa iba’t ibang Kapamilya show, ipinapakita ng bagong Feb-ibig plug na walang distansya o pan­demya ang babago sa pagmamahal natin para sa isa’t isa dahil sa pag-ibig, laging may paraan.

Bukambibig nga ngayon ang terminong Feb-ibig na unang ginamit ng network noong 2007. Ideya ito ni Patrick De Leon, ang wordsmith at dating creative group head ng ABS-CBN Creative Communication Management (CCM) division. Ang CCM ang grupo sa likod ng mga Kapamilya station IDs.

Hango sa pinagtagping mga salitang “February” at pag-ibig, ang “Feb-ibig” ang naging tema ng network sa maraming taon tuwing buwan ng mga puso. Ginamit itong muli noong 2013, 2014, at 2015 at naging inspirasyon pa sa ilang episode ng ASAP at ng musical drama anthology show na Your Song Presents.

Mapapanood ang Feb-ibig plug tuwing commercial break sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live. Ibinandera rin dito ang paparating na mga palabas mula sa Kapamilya Network tulad ng Your Face Sounds Familiar, Huwag Kang Mangam­ba, Princess DayaReese, Unloving U,  at He’s Into Her. Dumagdag pa sa kilig ang pagpapakita sa mga tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil, at Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Habang walang franchise na parang matatagalan pang maibalik, marami sa mga programa ng ABS-CBN ay ipinapalabas sa Kapamilya Channel sa cable, A2Z Channel 11 sa free TV at digital TV, at sa Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook. Napapanood na rin ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King tuwing Linggo sa TV5.

DANIEL PADILLA KATHRYN BERNARDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with