^
Julia, gusto nang magkapamilya
Julia

Julia, gusto nang magkapamilya

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2021 - 12:00am

Sa murang edad pa lamang ay naiisip na ni Julia Barretto na magkaroon ng sariling pamilya. Magdadalawampu’t apat na taong gulang na ang aktres sa susunod na buwan. “If I’m being completely honest kasi, I’ve always dreamt of having a family early on in life. Like that is always a thing in growing up. Like I always wanted to have a family at a young age ‘cause I wanted to have a lot of time. And I wanted to grow together with my family that you know, I will have in the future,” paliwanag ni Julia.

Kung ang aktres lamang ang masusunod ay gusto nitong maging housewife na mag-aalaga sa kanyang magiging pamilya. “A home creator is not an easy job. I dream to become a housewife. There’s like a boss housewife, you got your own work going on, but your number one priority is… (your family). It’s not an easy job” giit niya.

Para kay Julia ay malaki na ang ipinagbago ng panahon ngayon pagdating sa kanya-kanyang gawain ng mga mag-asawa. “You’ll see more husbands and more men really praising their partners. ‘Coz they really witness in their every day lives how challenging it is to be a homemaker, to be a wife and to be a mom at the same time. You have to take care,” pagtatapos ng dalaga.

Lotlot, inaming natuto sa mistakes si Janine

Masayang-masaya si Lotlot de Leon para sa anak na si Janine Gutierrez ngayong nasa ABS-CBN na ang dalaga. Ramdam na ramdam umano ni Lotlot ang pagpapahalaga ng Kapamilya network sa panganay na anak. “Nakakataba ng puso. ‘Yung importansya na binibigay nila kay Janine at ipinapakita, sobrang nakaka-touch. I know that Janine now will work extra hard to prove herself that she’s worth all of that. Nakikita ko naman na talaga excited siya to start working also with ABS,” pahayag ni Lotlot.

Nakikita umano ng aktres ngayon ang kasiyahang nararamdaman ni Janine sa ginawang paglipat nito ng TV network. “Talagang nakikita ko siya na masaya siya. ang dami na rin niyang natutunan sa ilang taon na nandito siya sa industriya. She’s learned from all the mistakes as well. Sabi ko sa kanya, everything that she is getting now is because of all her hardwork and I am very proud of her for that,” dagdag ng aktres.

Aktibo na rin ngayon sa show business ang lalaking anak nina Lotlot at Ramon Christopher na si Diego Gutierrez. Madalas na kumakanta si Diego sa ASAP Natin ‘to kaya malaki ang pasasalamat ni Lotlot sa pagtitiwala ng ABS-CBN sa mga anak. “I am just so happy with the trust that the Kapamilya network is giving to my children. Salamat at nakikita nila ‘yung talent at kung anong pwedeng maibahagi nila sa industriya. I am very grateful for that also,” paglalahad ni Lotlot.

-Reports from JCC-

JULIA BARRETTO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with