^

PSN Showbiz

Kim, idol ng mga single

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kim, idol ng mga single
Kim

Alam mo ba, Salve, na dapat noon pa nagbigay ng tips si Kim Chiu para makatagpo ng karelasyon ang isang single para hindi na sana dumami ang mga matatandang dalaga o old maid. Natawa ako sa sinabi niya na ‘pag nagsuot ng bagong red panty ‘pag Chinese New Year matatagpuan mo ang dream boy mo ha. Ibig sabihin kung lahat ng babae na single ay nagsuot ng red new panty, bongga, magkakaroon ng BF na kamukha ni Xian Lim?

Sabagay dahil nga Chinese tradition at may Chinese blood si Kim, baka kaya naging effective sa kanya.

At nakakatuwa dahil para yatang mauubos na ang stock ng red panty sa palengke at department stores dahil sinunod ‘yung payo ni Kim.

Kuwela talaga si Kim ha, she made my day, Chinita princess siya talaga, hah hah.

Teka nagsuot kaya ng red new brief noon si Xian Lim kaya nakuha niya si Kim? Joke joke joke, happy Chinese New Year to all.

Salamat sa suporta…

Ang saya ng ika-87 episode natin ng Take It… Per Minute Me Ganun, Salve. Ang saya dahil may mga nagdala ng Valentine gifts sa atin.

At talagang pinahahanga ako ni Cong. Niña Taduran sa kanyang sweetness, ang haba ng chocolates na ipinadala niya sa atin nina Mr. Fu at Cristy.

Tapos ‘yung classmate ng anak kong si Sneezy na si Tonton Rami­rez, nagdala ng gift pack ng local na tea and honey na talagang ipinapakita ang kahusayan ng mga local entrepreneurs. ‘Yung business niya na Bee Harvest ay isang malaking tulong para sa local tea growers at honey makers. Kaya nga hinangaan natin ang packaging na talagang magandang ipangregalo. Thank you, Tonton Ramirez.

‘Yung malamang meron tayong suppor­ters tulad nina Cong. Niña Taduran at Tonton Ramirez , lalo na si Jude Estrada na talagang nagpadala ng lechon to congratulate us, naramdaman ko tuloy na aabutin tayo ng 10th anniversary natin, Hah hah, salamat talaga, very very grateful talaga.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with