^
Pamilya ni Sam, kapamilya na ang turing kay Catriona
Sam

Pamilya ni Sam, kapamilya na ang turing kay Catriona

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - February 8, 2021 - 12:00am

Kasama noong holidays...

Bukod sa mga kata­ngian ni Sam Milby ay talagang nagustuhan ni Catriona Gray sa kasintahan ang pagiging malapit nito sa pamilya ng beauty queen. Ayon sa Miss Universe 2018 ay talagang sobrang panahon ang inilalaan ni Sam sa kanyang buong pamilya. “He really goes out of his way to make time for me because we are both busy naman. I really appreciate the small things talaga that he really shows that he’s thinking of me and he makes time for me. He has a great relationship with my parents which is really fulfil­ling thing for me rin. When I usually call them when we were sa States, we will all talk together. It’s really nice to see them have that friendship already with my parents because that means a lot to me and I know that Sam knows that. So it’s just nice to see him make the effort. Hopefully naman I am able to go on a trip and hopefully bring Sam to see my family, next time sana,” pagbabahagi ni Catriona.

Noong kapaskuhan ay nakasama ng dalagang magdiwang si Sam at ang pamilya ng aktor na nakabase sa Amerika. Para kay Catriona ay pamilya na rin ang turing sa kanya ng mga mahal sa buhay ni Sam. “It was my first time to spend Christmas away from my family. It was nice to feel that I was with my family pa rin. I had the opportunity to spend Christmas kasama ng boyfriend ko as family which was really nice,” makahulugang pahayag ng beauty queen.

Marco, payag sa May-December kay Ara

Kung mabibigyan ng pagkakataong gumawa ng isang pelikula na May-December love affair ang tema ay gusto umanong makapareha ni Marco Gumabao si Ara Mina. Pinapili ang aktor mula kina Ara, Rosanna Roces at Maui Taylor kung sino ang tipong makatambal. “I’ll go with Ms. Ara Mina. Grabe! Isyu ‘to! Pass na, baka ma-issue ako rito,” natatawang bungad ni Marco.

Bukas ang aktor sa pagtanggap ng proyektong may katambal na mas matanda sa kanya lalo pa’t beterana na rin ang aktres. “Kung game sila, game din ako. Sobrang magagaling na silang artista. It would be an honor for me para makapareha ko sila. Sila ‘yung talagang beterano pagdating sa mga film. Since 90’s napapanood na natin sila,” giit ng binata.

Isang malaking karangalan din para kay Marco ang mapili ng ilang batikang aktres upang makasama sa isang proyekto. “I feel honored of course. Depende sa script ‘yan, depende sa movie ‘yung story. Hindi naman ako mapili sa partner basta it’s all for the film, it’s all for the craft, game ako,” pagtatapos ng aktor. -Reports from JCC-

SAM MILBY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with