^

PSN Showbiz

Loisa, nadiskubre ang pagiging malambot ni Ronnie

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Loisa, nadiskubre ang pagiging malambot ni Ronnie
Loisa at Ronnie
STAR/ File

Mula nang ipatupad ang community quarantine sa bansa mag-iisang taon na ang nakalilipas ay mayroong mga nadiskubre si Loisa Andalio kay Ronnie Alonte. Apat na taon nang magkasintahan ang dalawa ngayon. “Kasi dati nag-alaga kami ng dogs, takot siya. Tapos na-discover ko na takot lang pala siya sa una kasi akala niya nangangagat pero talagang mapagmahal din siya sa mga dog. Kasi di ba kapag nakita mo si Ronnie lalaking-lalaki, na-discover ko ‘yung pagiging malambot na puso din niya. Hindi lang puro matipuno na ganyan. May mga malambot din siya na side at saka talagang maka-family din siya. Nakita ko kay Ronnie ‘yung pagiging seryoso niya,” kwento ni Loisa.

Hindi na umano nakararamdam ng selos sa isa’t isa ang magkasintahan ngayon. Malayung-malayo na ang pagkakaiba ng estado ng relasyon nina Loisa at Ronnie pagkalipas ng maraming taon. “Iba na ‘yung pinag-mature ni Ronnie ngayon. Talagang pwede na maging daddy si Ronnie ‘yung tawag ko sa kanya kasi sinesermunan din niya ako. Sa amin dati no’ng iba pa ‘yung ka-love team ko tapos iba pa ‘yung love team ni Ronnie pero kami na. Yan ‘yung nagiging problema namin dati. May mga part talaga na nakakaselos pero no’ng nagka-work na kami, wala ng selosan na nangyari ngayon,” paglalahad ng dalaga

Jane, gustong makaeksena si charo

Aminado si Jane de Leon na matagal na niyang crush si Paulo Avelino.

Bukod kay Paulo ay mayroon pang ibang mga hinahangaang artista ang gustong makatrabaho ni Jane. “Number one po si Ma’am Charo (Santos). Gusto ko po siya makaeksena kasi napanood ko po ‘yung Eerie nila ni Ate Bea (Alonzo). Sobrang nagustuhan ko po talaga ‘yung film na ginawa ni direk Mikhail Red. Other than Ms. Charo, of course si Ate Bea. Gusto ko rin makaeksena si Ate Bea at Ate Angelica Panganiban,” pagbabahagi ng aktres.  Reports from JCC

vuukle comment

RONNIE ALONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with