^
Gabby, gustong makasama ang mga anak sa isang bahay­
Garie, Gabby at KC
STAR/ File

Gabby, gustong makasama ang mga anak sa isang bahay­

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon (Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2021 - 12:00am

Matapos mag-post si KC Concepcion ng isang maikling vi­deo na nagpapakita sa kanya noong maliit na bata pa siya na kasama ang erpat niyang si Gabby Concepcion, na nilagyan pa niya ng caption na “love will keep us together”, nagbigay naman ng reaksiyon ang tatay na umaayon sa sinabi ng kanyang anak. “Lahat naman ng mga anak ko mahal ko. Pantay-pantay ang pagmamahal ko sa kanila kaya lang si KC pa rin ang aking panganay, at dahil nasa show business din siya mas napapansin ang aming relasyon, pero ganoon din ang pagmamahal ko sa lahat ng anak ko. Inaamin ko naman na dahil sa naging takbo ng aking buhay noon at sa nasangkutan kong gulo, napabayaan ko sila. Nagkulang din naman ako. Pero kung ano man ang magagawa ko para takpan ang pagkukulang na iyon ay ginagawa ko.

“Ang medyo nalayo nga lang nang kaunti, si Chloe, dahil sa naging problema namin ng mother niya, tapos nasa abroad na nga siya, inadopt siya ng stepfather niya ngayon at ginagamit na niya ang pangalan noon. Pero hindi naman niya ikinakaila na ako ang totoong father niya.

“Si Garie, ok naman kami. Tapos iyong dalawang bata sina Samantha at Savannah, kasama ko naman ngayon.

“Nakakatuwa dahil silang magkakapatid nagkakasama at nagtutulungan. Sina KC at Garie close iyan. Noong sumali sa beauty contest si Chloe, sa Miss Universe Sweden, naka-support sila. Nakaka-proud naman, dahil first runner up siya sa beauty contest na iyon, sa Sweden pa,” pagkukuwento ni Gabby.

May balak ba siyang isang araw ay magkasama-sama lahat sila ng kanyang mga anak?

“My ultimate dream is to have one big house, where all my children are together. Pero mukhang imposible na iyon ngayon dahil may kanya-kanya na silang buhay. I know very soon they will also get married, siyempre may sarili nang pamilya iyan. My dream of having them together came quite late. Pero hindi mo masabi dahil baka mangyari rin.

“Siguro kung hindi man sa isang bahay, sa isang compound kagaya namin noon. Kaya lang mukhang malabo maski na iyong ganoon. Pero for sure, magkakaroon ng mga okasyon na magkakasama-sama sila. I just hope mangyari na agad iyon,” sabi pa ni Gabby,

Sarah, hinahanap sa ASAP

Matagal-tagal na ring hindi lumalabas si Sarah Gero­nimo sa kanilang Sunday noontime show. Hinahanap na siya ng kanyang mga fans. May nagsasabi namang sayang din, dahil iyong kita niya sa ASAP iyon ang nananatiling ibinibigay niya sa kanyang pamilya.

May nagsasabing priority kasi talaga ni Sarah ang kanyang pamilya sa ngayon. May nagsasabi namang siguro nag-iingat lang siya at umiiwas sa Covid, pero noon namang pre-recorded lahat lumalabas naman si Sarah.

May ispekulasyon pang baka buntis na nga si Sarah kaya hindi na sumisipot sa ASAP.

Pero ano man ang dahilan, matagal na nga siyang wala sa show, at ngayon nag-react na ang fans nang burahin ang picture ni Sarah sa ads ng show.

Ibig bang sabihin noon ay hindi na siya kasali talaga sa ASAP?

Mga baguhang bumibida sa BL, ghurl na ghurl

Saan ba nanggagaling ang napakaraming baguhan na lumalabas ngayon sa mga bading serye sa internet? Hindi na tsismis ito kung di isang katotohanan na ang mga iyon ay nagmumula sa mga personalidad sa social media. Pinipili nila kung sino ang may hitsura at may followers, at iyon ang kinukuha nila para lumabas sa mga BL series o bading serye.

Pero ito ang tsismis, karamihan naman daw ng kinukuha nila sa mga bading serye ay umaamin na sila ay “bi” din, o bisexual talaga, na sa totoo lang hindi “bi” kung di mga bading talaga.

“Tingnan ninyo ang mga blogs nila, nagsasalita pa lang girl na girl na. Kaya wala ring ganang manood sa kanila ang mga ghurl. Pogi nga pero ghurl naman, sayang ang oras at sayang ang data,” sabi ng isang source namin.

“Maraming libre pa sa internet na mas bold pa,” dugtong pa niya.

Pero mayroon namang mga BL series na ang bida ay mga artista na talaga. “Pero bading din” ang sagot.

GABBY KC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with