_ngayon
^
Luis, tumatanaw ng utang na loob kay Alden
Luis at Jessy
STAR/ File

Luis, tumatanaw ng utang na loob kay Alden

Nora Calderon (Pilipino Star Ngayon) - February 7, 2021 - 12:00am

Para kay Jessy Mendiola, si Kapuso actor Alden Richards ay pwedeng “jojowain” o “totropahin” sa challenge na pinost nila Luis Manzano sa YouTube vlog ni Jessy.

Hindi raw personal na kilala ni Jessy si Alden, pero tingin daw niya ay boyfriend-material ang actor.  Kaya biro ni Jessy, “hindi kami talaga close ni Alden, siguro totropahin, tapos jojowain.  Kapag nagka-girlfriend siya, kumbaga, alam mong safe ka.”  Kaya biro naman ni Luis, mag-bodyguard daw ang fiancée para alam nitong safe siya.  Hindi naman daw alam ni Jessy kung ano pa ang good qualities ni Alden.

Seriously, tumatanaw pala ng utang na loob si Luis kay Alden, dahil sinalo siya nito sa isang hosting job. “Totoo ito.  Dahil si Alden, one time, may hosting ako – nang magkasakit ako.  Last minute, nangi­nginig ako sa fever, kaya last minute si Alden ang gumawa ng hosting job ko.  Kaya, “Thank you brother sa ginawa mong iyon.”

Samantala, ngayong gabi na, February 7, ang pagbabalik sa ere ng Bida Kids competition na Centerstage hosted by Alden at co-host niya si Betong Sumaya.

Mapapanood ito sa GMA-7 at 7:40PM, pagkatapos ng Daig Kayo Ng Lola Ko.

JESSY LUIS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with