^

PSN Showbiz

Sofia at Daniel, nagpaplanong pakasal

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Sofia at Daniel, nagpaplanong pakasal
Sofia at Daniel
STAR/ File

Napag-uusapan na ni Sofia Andres at kasintahang si Daniel Miranda ang tungkol sa pagpapakasal. Matatandaang ipinanganak ng aktres ang kanilang supling noong 2019. “Napag-uusapan namin ‘yan but we are both young. So we don’t want to rush things. Ito ‘yung laging sinasabi ng mga tao na, ‘Why don’t you want to rush things eh may anak na kayo?’ ‘What are you talking about?’ sabi ko. Well it’s a plan but I think for now, it’s better for us to plan things para hindi kami nawawala sa path na gusto namin. Magpapakasal kami kasi gusto naming pareho at mahal namin ang isa’t isa. We don’t want to leave each other. We don’t want to ruin the relationship,” paglalahad ni Sofia.

Ayon sa aktres ay suportado rin ng kanyang mga magulang ang planong pagpapakasal. Magdadalawang taon na rin sa Nob­yembre ang anak nina Sofia. at Daniel na si Zoe. “My parents, gusto nila may anak ako and kasal ako. Sabi ko sa kanila, ‘We’re gonna get there.’ Hindi naman puwedeng ako ‘yung magtatanong ‘di ba? Parang sabi nila kung saan daw ako masaya. They will be happy,” dagdag niya.

Umaasa naman si Sofia. na si Daniel na ang kanyang makakasama sa habambuhay. “I hope so. I am really praying to God kasi may anak kami eh. Iba rin kasi ‘yung complete family,” pagtatapos ng aktres.

Vice at Ion, hindi pag-aari ang isa’t isa

Si Vice Ganda ang tumatayong talent manager ng kasin­tahang si Ion Perez. Proud na proud ang Unkabogable Phenomenal Box-Office Superstar dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay makapagbibida na si Ion sa isang pelikula.

Makakatambal ng binata si Sunshine Guimary sa Kaka na sexy-comedy ang tema. “Siyempre alam ko ‘yon kasi ako ang manager ni Jackie (Gonzaga) at saka ni Ion. Ako ang pumirma ng kontrata. Na-excite ako at sobra akong proud. Ang taray, may nakuhang gano’ng role si Ion. Siya ‘yung pinili. Nasa showbiz tayo, trabaho ‘yon. Kikita siya do’n para may pambili siya ng bagong rubber shoes,” nakangi­ting pahayag ni Vice.

Wala umanong magiging problema sa komedyante ang gagawing maseselang eksena ni Ion sa bagong proyekto. “Ako, go lang ako! Deads ako sa gano’n. Super support ako ‘no! Siyempre success niya ‘yon. Saka si Ion is a different person. Iba kay Ion, iba kay Vice. Hindi pag-aari ni Vice si Ion. Si Vice din, hindi pag-aari ni Ion. Pwede siya lumipad, lipad ka lang diyan, papalakpakan kita, go!” makahulugang paliwanag ng TV host.

Todong suporta ang ibinibigay ni Vice sa kasintahan dahil alam niyang ito ang nararapat gawin. “Kung ‘yung mga taga-TNT (Tawag Ng Tanghalan) nga, hindi ko naman kamag-anak, hindi ko naman jowa, pinapalakpakan ko, sinusuportahan ko, ‘yung jowa ko pa kaya,” giit ni Vice.  Reports from JCC

ION

VICE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with