_ngayon
^
Martin at Vicki, laging nalilimutang kambal
Martin
STAR/ File

Martin at Vicki, laging nalilimutang kambal

YUN NA! - Jun Lalin (Pilipino Star Ngayon) - February 5, 2021 - 12:00am

Birthday ngayon ng Concert King na si Martin Nievera.

Alam mo, Ateng Salve, na-“wow, mali” ako kahapon habang nagtse-check sa Facebook ng mga magbi-birthday na friends ko.

Nakita ko kasi na birthday rin pala ngayon ni Vicki Nievera.

Nasabi ko sa sarili ko, “Birthday rin pala ni Vicki, magka-birthday sila ni Martin.”

After no’n ay saka ko lang na-realized na talagang magka-birthday sila dahil twins nga pala sila. Hahaha!

Actually, Ateng Salve, hanggang ngayon naman ay marami pa rin ang nagugulat kapag nalalamang may kakambal pala si Martin, kaya pati ako, nalilito kung minsan tungkol sa pagiging twins ng Concert King at ni Vicki, huh!

Live ang ASAP Natin ‘To at abangan na lang kung may pa-surprise birthday sila kay Martin.

Dimples, nakabalik sa pamilya

Marami ang natuwa sa tsikang babalik na sa ABS-CBN si Dimples Romana.

Kasama kasi si Dimples sa new Kapamilya series na Viral.

Isa si Dimples sa Kapamilya stars na unang nagkaroon ng regular TV show sa TV5 pagkatapos na hindi ma-renew ang franchise ng ABS-CBN.

Si Dimples ang kapareha ni Ian Veneracion sa weekly sitcom na Oh, My Dad na napapanood pa rin naman sa TV5 (pero tapos na ang kanilang lock-in taping).

Kung matatandaan, mas lalong sumikat si Dimples dahil sa afternoon series ng Kapamilya network, ang Kadenang Ginto.

Kung si Dimples ay balik-ABS-CBN na, si Beauty Gonzalez naman na nakasama niya sa Kadenang Ginto ay nasa Paano Ang Pangako?, teleserye pa rin ng TV5.

Nakakatuwa nga pala na isa si Dimples sa puwedeng bumalik sa ABS-CBN pagkatapos magkaroon ng regular TV show sa TV5.

Samantala, ang nakasama naman nila sa book two ng Kadenang Ginto na si Richard Yap ay certified Kapuso star na at magiging leading man pa ni Heart Evangelista sa I Left My Heart In Sorsogon.

AiAi, panay ang pakain sa mga kasama sa Owe…

Ang nagkakaisang dialogue ng cast ng Owe My Love ng GMA 7 na ok lang sa kanila na sa lock-in taping sila magse-celebrate ng Valentine’s day.

Sa araw na ‘yon, wala silang taping, kaya nangako si AiAi delas Alas na ipagluluto niya ang lahat ng mga kasamahan niya.

Sabi ni Lovi Poe, nakakatuwa si AiAi dahil ang sarap magluto at sarap na sarap siya sa pasta nito.

Sabi ni Ai Ai, ipapadala niya ang mga gamit niya sa pagbe-bake para maipag-bake naman niya ng tinapay ang cast and staff ng Owe My Love sa February 14 dahil day off nila ‘yun.

Sa February 15 ang simula ng Owe My Love ng Kapuso network.

MARTIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with