^

PSN Showbiz

Juliana, parang apo ng mga taga-showbiz

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Juliana, parang apo ng mga taga-showbiz
Juliana

Naku para bang sobrang bilis ng panahon, Salve. Imagine si Juliana Gomez na anak nina Lucy Torres at Richard Gomez ay meron nang boyfriend. ‘Yung maliit na bata na karga-karga ni Douglas Quijano heto, dalaga na pala.

Parang showbiz baby din si Juliana dahil lumaki siya under the eyes ng mga kasamahan ng father at mother niya. Kung buhay si Douglas, sure ako na para siyang proud lolo ni Juliana.

Lumaki si Juliana into a fine, kind and intelligent lady na parang si Lucy Torres, at very sporty and friendly like her dad Richard Gomez.

Tuwang-tuwa ako nang makita ko siyang kasama nina Ri­chard at Lucy dahil iyon nga, parang member din siya ng family dahil lumaki siyang parang apo o anak mo rin dahil sa closeness mo sa parents niya.

Hope Juliana will be as lucky as her mom Lucy in her choice of a partner, dahil kahit ano pang sabihin, anyone will be very proud of Richard Gomez.

Enjoy your life Juliana, we got your back baby, love ka namin ng mga taga-showbiz.

Thank you, Papa Miguel...

Thank you kay Papa Miguel Belmonte dahil talagang napaka-supportive niya sa Take It… Per Minute Me Ganun, at ‘yung pagiging spoiled namin sa Pilipino Star NGAYON at Pang-Masa as columnists.

Kung hindi dahil sa support ni Papa Miguel sa ating show Salve, siguro hindi tayo tatagal nang ganito. Iyon talagang kahit pa nga noong una na parang ang dami ng mga kakumpetensiya na talkshow sa online, sige lang ang pananalig niya sa amin nina Cristy Fermin at Mr. Fu.

At nakakainggit ‘yung pagiging generous niya sa showbiz writers na nagsusulat sa PM at PSN dahil on time at meron pang Christmas bonus talaga ang talent fee.

Naku Papa Miguel, forever mo na akong Yaya Lolita dahil kita ko na love na love mo kaming lahat.

Love you, Papa Miguel Belmonte, thank you so much.

vuukle comment

JULIANA GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with