_ngayon
^

PSN Showbiz

Aktres, nagtaas ng talent fee sa endorsement kahit may pandemic

YUN NA! - Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

Naku, Ateng Salve, alam mo ba na ilang talent managers ang nakatsikahan ko na nagkuwento na sa mga contract ngayon ng kanilang mga talent, lalo na sa mga endorsement, naka-stipulate na na kapag nagka-pandemic at magkakaroon ng lockdown, mae-extend ang validity ng contract.

Sabi ni Manay Lolit Solis, pumapayag daw siya sa ganoon kasi valid naman daw ang reason. “Buti nga may kumukuha pa ng endorsers, kaya hindi na ako umaarte. Saka tulungan lang naman ‘yan. Kung masyado kang mahigpit at mag-iinarte ka pa, ang dami na ngang nawawalan ng trabaho, so mas marami pang mga business ang mawawala.

“Hayaan na lang, huwag na masyadong maghigpit talaga!” sey ni Manay Lolit.

Well, tama naman si Manay Lolit.

Alam mo, Ateng Salve, may isang owner nga ng isang business na nakatsikahan ko na bago nagka-COVID-19 pandemic ay pinapirma bilang endorser ang isang aktres.

Ang naging problema niya, nagka-pandemic nga at hindi naka-stipulate ang bagay na ‘yon sa contract ni aktres hanggang sa natapos na ‘yon.

So, sabi ng business owner na nakatsikahan ko, wala siyang magagawa sa bagay na ‘yon, pero ang ikinaloka raw niya, sa renewal ngayon, nagtataas pa raw ang management company ni aktres, kaya feeling niya, baka hindi na sila magkaroon pa ng renewal.

Puwede pa raw siguro kung magbababa ng ta­lent fee si aktres.

Well…

Ritz, tambak ang trabaho

Ang shooting nina Aljur Abrenica at Ritz Azul sa Baguio City ng isang horror movie.

This week naman, aakyat din daw sa Baguio ang co-star nilang si Empress Schuck.

In fairness, Ateng Salve, sunud-sunod pa rin ang mga project ngayon sa showbiz kahit may pandemic, huh!

Marami ring new producers na talagang patuloy sa pagpasok sa showbiz at marami silang projects.

Going back to Ritz, ang dami niyang projects ngayon.

Isa nga siya sa pinakamasuwerteng artista ngayong panahon ng pandemic, huh!

Richard at Sarah, hindi pa rin nagpa-plano ng big wedding

May mga nagtatanong – pinag-uusapan na raw ba nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang big wedding nila?

Dapat ay noong March 14, 2020 ang big wedding nila, pero dahil sa pandemic, naging civil wedding lang ‘yon at iilan lang ang um-attend.

Sa reception naman, iilan din lang kami para iwas sa COVID-19 nga.

The last time na tinanong ko si Sarah tungkol sa bagay na ‘yon ay sinabi niyang hindi pa nila talaga pinaplano ang tungkol sa big wedding nila.

RICHARD SARAH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with