^

PSN Showbiz

Nadine ayaw magkaanak, mas gustong mag-ampon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Nadine ayaw magkaanak, mas gustong mag-ampon
Nadine

Kung dati-rati ay gusto umanong magkaroon ng dalawang anak ni Nadine Lustre ay nagbago na ang isip ngayon ng aktres. Naibahagi ni Nadine sa video blog ni Dr. Aivee Teo na ayaw na nitong magkaanak ngayon. “Because of everything that has been going on. Before every time people would ask me that, I would say two. But now I’d say wala. I don’t want to have kids right now. That’s where my head’s at. Just because there’s so many people na on earth,” paliwanag ni Nadine.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto na lamang ng aktres na makapag-ampon ng bata na ituturing niyang sariling anak. “I do believe that there are a lot of kids who don’t have parents and who need to be taken care of. So I feel like if I do want to have a kid, I might just adopt. So sustainabi­lity. If I get pregnant, I’ll go with it. But right now, that’s where my head’s at. I would rather adopt,” nakangiting pahayag ng dalaga.

Vice, nasusuka na sa pressure ng It’s Showtime

Sa loob ng mahigit isang dekada sa telebisyon ay maraming hamon na rin ang pinagdaanan at na­lampasan ng programang It’s Showtime. Para kay Vice Ganda ay marami nang nagbago sa mga pamamaraan upang patuloy na makapagbigay ng kasiyahan sa mga manonood. “Nakakabaliw-baliw ‘tong show kasi pa-evolve nang pa-evolve ang platform, ang audience, ang contestant. So kailangan mong sabayan ang evolution eh. ‘Yung ginagawa namin dati sa Showtime, hindi namin pwedeng gawin ngayon. Kasi you have to consider the pandemic, emotions ng maraming tao, ‘yung estado ng maraming tao, parang dati all out tawanan, wala kaming pakialam sa mundo. Ngayon you have to be sensitive, hindi puwedeng laging masaya. Kasi hindi gano’n ang emotions ng tao,” paglalahad ni Vice.

Ayon sa host ay malaki rin ang pinagbago talaga ng programa mula nang mawala ang It’s Showtime sa free TV noong isang taon. Matatandaang naipasara ng Kongreso ang ABS-CBN dahil sa kawalan ng prangkisa ng Kapamilya network. “Kasi biglang from free TV bigla kami na­ging cable, naiba na ‘yung audience ng cable. So ako, kailangan kong aralin, ano ‘yung sensibilities ng mga cable viewers. Iba siya sa free TV. Tapos biglang naging digital, so ano ‘yung humor ng digital? Paano tinatanggap ng digital ang palabas? Ano bang klase ang gusto nilang pinapanood? Tapos biglang bumalik na naman ulit sa free (A2Z),” dagdag pa niya.

Aminado si Vice na matinding pressure na ang kanyang nararamdaman ngayon sa programa dahil sa daming naganap na mga pagbabago. “Ang lala ng evolution, ang daming changes ang nangyayari araw-araw kaya nakakasuka siya sa pressure. Ang hirap-hirap, nakakatuwa kasi, it’s a brand new challenge,” pagtatapat ng komedyante. Reports from JCC

vuukle comment

NADINE LUSTRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with