^

PSN Showbiz

Oscar best picture nasa HBO Go

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Oscar best picture nasa HBO Go
Green Book

Ang gaganda rin ng mga palabas sa HBO Go. Nasa movie list nila ang mga pelikulang hindi ko naabutan nung nag-o-operate pa ang mga sinehan, at wala sa ibang streaming site.

Isa rito ang pelikulang Green Book na nanalo ng major awards sa Oscar 2019 kasama ang Best Picture of the Year, Best Performance By An Actor In A Supporting Role - Mahershala Ali - and Best Original Screenplay.

Naalala kong underdog ito noon sa mga kalabang pelikula na Roma, A Star is Born and Bohemian Rhapsody.

Kuwento ito ng isang African-American pianist – Dr. Donald Shirley – at ng kanyang Caucasian driver – Tony Lip – na magkasama sa tour during the ‘60s na sa umpisa ay hindi nagkakasundo pero ang ganda ng nabuong friendship habang nasa tour for two months. May issue ito ng racism at naging controversial pa noon. Biographical comedy-drama ang Green Book.

Ang dami ring mga K-drama series / series sa HBO Go na wala rin sa ibang ibang strea­ming platform.

Grabe, mananawa ka talaga sa mga magagandang palabas sa kasalukuyan na hindi mo na kailangang magpunta sa mga sinehan na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakapag-operate dahil ang dami pa ring positive COVID cases sa Pilipinas at parang hindi naman bumababa.

Actually, kahit nga mag-mall tinatamad na ang mga tao na pasyalan ‘pag manonood ng sine. Feeling ko, na-realize nila na puwede talagang sa bahay lang mag-chill, malaki pa ang matitipid.

Eh sa mall nga naman, malaki ang gastos. Bukod sa budget sa food, mahal na rin ang parking at pati pag-ihi mo may bayad na rin. Eh kung manonood ka pa ng sine, dagdag budget pa ‘yun.

Though marami pa rin talagang gustong makalabas at mag-chill tulad noong wala pang pandemic.

Anyway, prayers talaga ang puwedeng gawin at this point in time at i-appreciate ang opportunities na dala ng pandemya tulad ng panonood ng mga pelikulang hindi natin napanood sa mga sinehan noon.

OSCAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with