_ngayon
^
Vilma at Richard, dapat tularan ng mga nag-aambisyon sa 2022
Vilma

Vilma at Richard, dapat tularan ng mga nag-aambisyon sa 2022

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2021 - 12:00am

Mukhang maaga ang paghahanda ngayon ng lahat para sa 2022 elections. Marami na ang nagpaparamdam at marami na rin sa mga artista ang parang hinihimok para pasukin ang pulitika.

Sana naman kung sakali, ‘yung mga taga-showbiz na papasok ay maging handa para tulad ng magandang record nina Vilma Santos at Richard Gomez, mapatunayan nila na kahit artista sila, meron ding kakayahang maglingkod at maging mahusay na public official.

Sana rin mabago na ang senaryo, ‘pag nabago ang mga nakaupo, maging maganda na rin ang takbo ng bayan natin.

Parang na-stuck tayo at hindi umaandar, ‘yung iba umuusad na, tayo nahinto sa gitna.

Pero kahit anong sabihin, maganda pa rin ang bayan natin, madali pa ring maaayos ang dapat ayusin, at marami pa ring worthy people na puwedeng maging leader.

We should never give up, umasa lang tayo nang umasa, darating din iyan at maaayos din ang lahat.

Alden, malabong tsugihin sa Sunday...

Siguro nga sobra na ang insecurity ng ilang fans kay Alden Richards dahil talagang feeling nila para bang lahat ng blessings ay dito na napunta.

Natawa ako sa ilang bashers na gustong paalisin si Alden sa All-Out Sundays dahil marami na raw itong programa kaya dapat ibigay na sa iba ang hosting job nito sa show.

Hindi ba nila alam na poste ng All-Out Sundays si Alden at ito ang dahilan kung bakit mataas ang rating ng show at kung bakit tumagal ito?

Maganda ang combination niya sa singers na sina Mark at Christian Bautista, plus patok ang dance numbers na ginagawa ni Alden. Kaya maraming show si Alden dahil masarap siya katrabaho, at malakas nga ang hatak sa viewers.

Never mo makikita o madarama na apektado ng tagumpay niya si Alden, up to now mabait pa rin siya at magalang kaya naman tuluy-tuloy ang suwerte niya.

‘Yung idols ng bashers, marami pang kakainin bago maabot ang kinalalagyan ni Alden kaya dapat maghintay at tumahimik lang.

 

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with