^
Regine: âI am not a queen!â
Regine

Regine: ‘I am not a queen!’

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 28, 2021 - 12:00am

Nag-check ng dugo...

Tatlo at kalahating dekada nang namamayagpag ang karera ni Regine Velasquez bilang isang magaling na mang-aawit. Hindi na halos mabilang ang hit songs at awards na nakamit ng Asia’s Songbird mula nang makilala sa industriya kaya maituturing ng ‘Queen of OPM’. “I don’t know how to be a queen. Although my name means queen. I am definitely not a queen. Last time I checked hindi naman si Prince Charles ang tatay ko, si Mang Gerry. Chineck ko naman ‘yung blood ko, hindi naman blue,” pabirong pahayag ni Regine.

Para sa singer ay isang malaking karangalan na mabansagang ‘Queen’ sa industriyang kanyang ginagalawan. “I’m very flattered and grateful for the title that I’m given. But like I said, I am not at all a queen. I am far away from being a queen. But I do work hard. I am very, very passionate,” giit niya.

Masaya lamang umano si Regine kapag nalalaman niyang siya ang nagiging inspirasyon ng mga humahanga sa kanyang talento. Masarap din daw sa pakiramdam na nakatutulong siya sa mga nakababatang singer o baguhan pa lamang sa industriya. “Right now hindi nagma-matter sa akin ‘yung ‘Sikat ka pa ba?’ Ang mas importante sa akin ‘yung nakaka-inspire ka ng mga baguhang singers. They can relate to my story. Being able to inspire them and to have it in their mindset na, ‘If Regine can do it, so can I.’ That’s the most important to me,” paliwanag ng Asia’s Songbird.

Abala na ngayon ang singer sa paghahanda para sa Valentine’s concert na Freedom na mapapanood sa pamamagitan ng KTX.ph ngayong February 14.

Kathryn, kailangan ng maraming trabaho para sa pinapagawang bahay

Umaasa si Kathryn Bernardo na magtuluy-tuloy pa ang mga proyektong ginagawa ngayong taon upang matapos na ang bagong bahay na ipinagagawa para sa pamilya. “Yes, ang daming na-achieve, pero of course madami pa ring kailangang trabahuhin. For this year, my goal is to continue being busy. Sana magtuluy-tuloy ‘yung work, para tuluy-tuloy na mapagawa ‘yung bahay,” nakangiting bungad ni Kathryn.

Bukod sa pagpupundar ng bahay at pagkakaroon ng ilang negosyo ay nagpaplano rin ang aktres na magkaroon pa ng ibang investments. “Ang dami pa ding investments na kailangan ko pang trabahuhin, but my priority now is to be financially ready since hindi basta-basta ang magpagawa ng bahay. My number one priority is basically to finish our house,” dagdag ng dalaga.

Samantala, sa pagpasok ng Pebrero ay maaari nang mapanood sa Netflix ang iWantTFC series na The House Arrest Of Us na pinagbibidahan nina Kathryn at kasintahang si Daniel Padilla. “Then may gagawin kaming TV series ni DJ this year and of course ‘yung mga endorsements,” pagtatapos ng aktres.
(Reports from JCC)

REGINE VELASQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with