Pacman, naghahanap ng bagong kalaban

So, hindi tuloy ang boxing fight nina Manny Pacquiao at Conor McGregor on April 23 sa Dubai, United Arab Emirates.

Nakatsikahan ko ang isang malapit sa ating Pambansang Kamao at sinabing matutuloy pa rin daw ang laban nina Manny at Conor, pero baka sa last quarter pa ng taon na ito. Inaayos daw nila ‘yung May 16 fight ni Manny na iba na muna ang makakalaban. “We are waiting for the opponent (na mag-yes). Pero baka May 16 na nga,” sabi ng taong kausap ko.

Next week daw ang announcement ng boxing fight na ‘yon.

Naku, may kilala pa naman akong showbiz personality na nagpa-book na ng flight pa-Dubai, huh!

Buti na lang talaga, Ateng Salve, dahil na rin sa COVID-19 pandemic ay rebookable na ang airlines tickets ngayon.

Naalala ko nga pala, Ateng Salve, two years ago, January rin ay magkakasama tayo nina Manay Lolit Solis sa Las Vegas, Nevada sa isang boxing fight ng mister ni Jinkee Pacquiao.

Ang saya-saya pa natin noon dahil talaga namang maraming celebrities at politicians na nagpunta roon para mag-support.

Sa May 16, kung tuloy na, dumugin pa rin kaya ng celebrities at politicians ang boxing fight ni Manny o marami ang takot pa rin sa COVID-19?

Well, mukhang si Manay Lolit, takot pang bumiyahe.

Lovi, walang birthday celebration

Ang bilis talaga ng paglipas ng mga araw, ‘di ba, Ateng Salve? Aba, February na agad sa Monday.

Si Lovi Poe, birthday na sa February 11. Parang kailan lang ‘yung may pa-surprise birthday dinner para sa kanya ng manager niyang si Leo Dominguez at heto’t birthday na naman ni Lovi.

Pero wala raw balak si Lovi na mag-celebrate this year lalo na’t pandemic pa.

Saka nasa lock-in taping din naman siya ng Owe My Love ng GMA 7, kaya sa set na siya aabutin ng kanyang birthday.

Nang tanungin ko ang handler ni Lovi na si Dada, ikinuwento niyang hanggang sa March 10 pa sa lock-in taping sa Bulacan ang Kapuso prime actress.

So, sa mga nag-iisip na baka biglang dumating dito ang boyfriend ni Lovi na si Montgomery Blencowe from Los Angeles, California (kung papayagan na ang foreigners na galing Amerika), mukhang malabo ‘yon.

Feeling ko naman, in-enjoy na talaga nina Lovi at Montgomery ang pagsasama nila sa L.A. noong Christmas break.

Anyway, pagdating naman sa new series niya sa GMA 7, sinabi ni Lovi na sobrang excited na siya. ‘Yun na!

Show comments