^
Regine pumayat ng 20 lbs.,âdi mapagtulog sa kanyang Valentine concert
Regine
STAR/ File

Regine pumayat ng 20 lbs.,‘di mapagtulog sa kanyang Valentine concert

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

Wow, 20 lbs. pala ang ipinayat ng one and only Asia’s Songbird Regine Velasquez.

In all fairness, ang payat nga niya kahapon sa ginanap na media conference para sa kanyang Valentine concert na Freedom, February 14, Sun day.

Nag-intermittent diet daw siya. Once a day lang siyang kumain pero sa one meal na ‘yun lahat daw ay puwede niyang kainin at talagang lamon naman.

May kasama ba ‘yung exercise, tanong namin kay Regine. “Ano ba ‘yun. Alam ko kasing exercise kain din. Hahahaha.”

Pero nagsi-swimming naman siya.

Kaya naman excited siyang mag-outfit sa kanyang Freedom concert na may iba’t ibang meaning para sa kanya sa kasalukuyan.

Yup, kahit virtual, pinaghahandaan daw talaga niya ang nasabing new normal concert niya na tradisyon talaga tuwing Valentine kabilang na ang mga susuotin niyang gown at alahas.

In fact, hindi nga raw siya halos makatulog minsan sa pag­hahanda para rito na sa ABS-CBN studio ang venue, na may kasamang live band. May guest din daw siya pero ayaw pang sabihin ni Regine kahapon nang tanungin namin.

Well, inaabangan talaga ang concert ni Regine at patunay diyan ang mabilis na pagkaubos ng VIP tickets.

Ang Freedom: Regine Velasquez-Alcasid Digital Concert ang pinakamalaking online show ng Asia’s Songbird na nakabenta agad ng P500K na halaga ng tickets 10 minuto lang matapos buksan ang pagbebenta nito early this month at umabot na sa mahigit P1 milyon wala pang 12 oras ang nakakalipas.

Dahil din sa nagkaubusan agad ng limited VIP tickets (P2,500) na may kasama nang access sa concert, virtual meet-and-greet, pasilip sa behind the scenes, at Zoom after party kung saan pwedeng mag-request ng kanta kay Regine, nagdag­dag pa ng 100 slots para sa fans.

Handog ng ABS-CBN Events at IME ang Freedom sa ilalim ng stage direction ni Paolo Valenciano at musical direction ni Raul Mitra.

Mapapanood ang concert worldwide sa digital platform na KTX.ph.

REGINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with