_ngayon
^

PSN Showbiz

Claudine, kay Marjorie huhugot ng galit sa gagawing pelikula

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Claudine, kay Marjorie huhugot ng galit sa gagawing pelikula
Claudine
STAR/ File

Hindi pala tinapos ni Claudine Barretto ang kontrata niya sa Viva Artists Agency na dating nagha-handle sa kanya para magawa na niya sana ang pelikulang inalok  ng Star Cinema Films na pagsasamahan nila ni Piolo Pascual. Kukunan dapat ito sa Florence, Italy, pero naudlot ito dahil sa pandemya.

Saad ni Claudine nang humarap ito sa movie press noong nakaraang Lunes; “One movie pa lang ang nagawa ko and six years na nandun ako with Viva. So, I had to buy out my contract para maka-transfer ako pabalik sa ABS.

“Ayaw ng Viva na ipahiram ako para sa movie namin ni Piolo. I didn’t want to lose that chance. Since ayaw nilang ibigay sa akin… ‘yung payagan ako na hiramin ako para sa Star Cinema, binili ko na lang yung kontrata ko para makagawa ako ng movie with Piolo.”

Naudlot lang ito ngayon, pero gagawin pa rin naman daw nila iyon kapag okay na ang lahat dahil kailangan nilang magbiyahe sa Italy.

Sa ngayon ay gagawin daw muna niya ang isang drama movie sa Borracho Films na ididirek ni direk Joel Lamangan.

Nagkaroon na ng contract-signing sa Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio noong nakaraang Lunes kasama ang bago niyang manager na si Arnold Vegafria. Hindi pa buo ang script pero nagustuhan daw niya ang takbo ng kuwento na kung saan meron daw siyang kapatid dito na special child na kailangan niyang alagaan.

“Gusto ko talaga ang movie na ‘to. Kasi it’s about quarantine… ‘yung mga magkapatid… the love and hate of magkakapatid.

“Tapos special pa ‘yung bata na hindi nalalayo sa tunay kong kapatid na si Marjorie ‘di ba? May pag­huhugutan ako dito….sinasabunut-sabunutan ako eh. Ayun!” may pasaring pang pahayag ni Claudine.

Doon pa rin sa presscon sa kanya ng Borracho Films, nilinaw na rin sa amin ni Claudine ang kuwentong pag-uusap nila ni Jodi Sta. Maria noong pumutok ang balitang relasyon kay Raymart Santiago. Ang nakarating kasing kuwento sa amin na tinawagan daw siya ni Jodi para magpa­sintabi sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Raymart.

Sabi ni Claudine, siya raw ang tumawag kay Jodi. Sabi niya; “I was very very close to Jodi. That’s why I really felt so bad na hindi niya sinabi.

“Ang ginawa ko, kinuha ko ang number niya kay Raymart, ako ang tumawag sa kanya.  Nagkausap kami.”

Okay naman daw ang pag-uusap nila pero meron lang daw ipinangako sa kanila sina Jodi at Raymart na hindi naman daw nasunod. “Maayos ‘yung pag-uusap namin. Until  meron akong isang hiniling sa kanila na umoo sila. Hindi nila… it was for the kids eh. Hindi sila...they didn’t live up kung ano ‘yung promise nila. ‘Yun ‘yung medyo hindi okay,” sabi pa niya.

Pero hangad pa rin daw ni Claudine ang kaligayahan nina Raymart at Jodi. “I think everybody deserves to be happy. Kahit hindi nagkakasundo kami ni Raymart. At the end of the day, I want them to be happy kasi at the end of the day he’s still the father of my children.

“And ang akin lang, huwag lang niyang kalimutan ang mga responsibilidad niya. Kasi medyo hindi niya nagagawa ‘yung dapat niyang gawin eh. Hindi siya sumusunod eh. Iyon lang naman ang akin. Kung anong meron sila sa buhay nila, okay go.

“Noong una talaga full support pa ako eh. I was so excited, blended family ganyan ganyan. Pero just for them honestly, with all sincerity I want them to be happy. Just don’t forget my children. ‘Yun lang naman ‘yun,” pahayag pa ni Claudine.

Tuloy pa rin daw ang kaso nila pagdating sa child support. Kung hindi raw sila magkakaayos sa piskalya, maaaring sa korte na sila maghaharap.

Alma nagsalita sa totoong kalagayan ni Mark

Sobrang na-enjoy ni Alma Moreno ang kanyang pagbabalik pelikula via Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar na mapapanood sa Vivamax sa January 29.

Nung sinabi raw sa kanya ni Tita June Rufino ang offer sa kanya na ang title ay Pornstar, napa-ha! raw siya dahil paano raw niya magagawa ang ganung klaseng pelikula. Pero nang mabasa na raw niya ang script ni direk Daryl Yap, na-enjoy na niya nang husto. Lalo na raw niyang na-enjoy nang mag-shoot na sila kasama sina Ara Mina, Rosanna Roces at Maui Taylor.

Sa tatlong baguhang sexy stars na sina AJ Raval, Rose Van Ginkel at Ana Jalandoni, parang naisip daw niyang kung sakaling i-remake ang pelikula niyang Bomba Star, bagay daw doon si AJ.

Sa aming pakikipagtsikahan kay Alma sa DZRH noong Lunes, naikuwento niya na natutuwa raw siya sa mga anak niya nitong pandemya dahil okay daw ang komunikasyon nila kahit magkakahiwalay sila. May kanya-kanya na silang pamilya at abala na rin sila sa kani-kanilang career. Kagaya ni Winwyn Marquez na ibang career path din naman ang tinatahak nito.

Si Vandolph naman ay councilor sa Parañaque na pati nga ang asawa nitong si Jenny na barangay captain din.

Gusto na ring linawin ni Alma na okay na okay daw si Mark Anthony Fernandez na madalas din daw niyang nakakausap sa tele­pono. “Okay si Mark. Kung ano man yung intrigang lumalabas, sana tama na. Ang dami na kasing lumalabas na iba-iba eh. Pero hindi na ako nagsasalita. Sobra po akong nasasaktan. Naiiyak actually po ako minsan. Nalulungkot, kasi ayaw nilang tumigil pagdating dun sa anak ko.

“Lagi nilang sinasabi nakakaawa si Mark.

Tama na. Okay siya eh, okay ako. Sabi ko nga sa anak ko kapag may naririnig ka, huwag nang intindihin,” saad ni Alma.

Sa ngayon nga, bukod sa promo ng pelikulang ito, pinagkakaabalahan din ni Alma ang magbigay ng tulong sa mga kadistrito niya sa Parañaque.

Balak niyang tumakbo uli sa pagi­ging Konsehal sa darating na eleksyon.

CLAUDINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with