^
Toni, noon pa peg ang My Sassy Girl...
Toni
STAR/ File

Toni, noon pa peg ang My Sassy Girl...

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 27, 2021 - 12:00am

Isang malaking karangalan para kay Toni Gonzaga na makapagbida sa Philippine adaption ng pelikulang My Sassy Girl. Ayon sa aktres ay noon pa niya pinapangarap na makagawa ng isang proyektong may kaparehong tema. “First time ko napanood ‘yung pelikula 2006 when we were shooting You Are the One. ‘Di ko malilimutan ‘yon. Nasa Pampanga kami, sabi ni direk Cathy (Garcia-Molina), ‘Panoorin mo ‘yung My Sassy Girl, ‘yan ‘yung peg namin sa ‘yo. Dapat ganyan ka pagka-feisty,” kuwento ni Toni.

Itinuturing ng multimedia star na espesyal ang bagong pelikula lalo pa’t ipinagdiriwang niya ngayong taon ang ika-dalawang dekada sa show business. Matatandaang unang napanood ang Korean film na My Sassy Girl noong 2001. Ang TinCan Films na pag-aari ni Toni at asawang si Paul Soriano ang gumawa ngayon ng Philippine adaption nito. “So twenty years after the film was released. I have been given the opportunity to play the role, ‘yung Philippine adaptation ng My Sassy Girl. So ‘yon, I consider it as a big blessing,” giit ng aktres.

Jameson meant to be ang feeling sa kanila ni Charlie

Nagkatambal sina Charlie Dizon at Jameson Blake sa pelikulang Four Sisters Before The Wedding ng Star Cine­ma. Ngayon ay muling magpapakilig ang dalawa para sa nalalapit na Valentine’s episode ng Maalaala Mo Kaya. “Sa February 13 po ang episode naming dalawa ni Jameson. Sana po ay abangan n’yo ang istorya ng pagbangon ng MMK naming dalawa. Siyempre kailangan po ang kilig-kilig, kumbaga magkakilala na kami ni Jameson dati pa. So Mas kumportable na rin po at ‘yon ang gusto ko kay Jameson, madali siyang kausap sa gano’n po. Hindi siya maarte,” nakangiting pahayag ni Charlie.

Ayon sa dalaga ay nagkakilala na sila ni Jameson kahit noong mga panahong hindi pa parehong artista. Nagkatambal na sina Charlie at Jameson noon sa isang TV commercial. “No’ng time na ‘yon hindi siya dapat ang ka-partner ko sa commercial. Parang biglang pagdating sa shoot, siya na ang partner ko. Tapos no’ng nandito kami sa showbiz, sa Four Sisters Before the Wedding naman po iba rin dapat ang partner ko do’n. tapos biglang na-cancel kasi pandemic, na-delay. Pagbalik biglang si Jameson ulit,” kuwento ng aktres.

Para naman kay Jameson ay posibleng nakatadhana talaga ang kanilang nabuong tambalan ni Charlie. “It’s meant to be. Siguro nandoon na kasi ang chemistry. We’ve known each other kasi dati pa. So parang konting adjustment lang kapag mag-work kami ulit,” paglalahad ni Jameson.  (Reports from JCC)

SASSY GIRL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with