^

PSN Showbiz

Rex, mag-aala Tulfo

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Rex, mag-aala Tulfo
Ka Rex Cayanong

MANILA, Philippines — Sa mga Tulfo brothers, si Ben Tulfo na kanyang pinapanood noon sa Bitag Live sa UNTV-37 ang idolo ng matagal na ring broadcaster na si Ka Rex Cayanong na naging maingay din ang pangalan dahil sa programang Target On Air sa YouTube na marami na ring subscribers. At dahil sa walang takot niyang pagbatikos sa katiwalian at ilegal na gawain na kanyang subject ay hinangaan at naging paborito ng mga kilalang pulitiko si Rex tulad ni Sen. Bong Go at nakasama pa nga siya sa kanilang pamamahagi ng relief goods sa Rizal kamakailan.

May mga binabatikos din naman daw siya pero hindi naman diumano puro birada lang ang laman ng programa niya  na ngayo’y isa na sa mga respetadong broadcaster ng DZME- (1530KHZ) na mapapakinggan mula Lunes hanggang Biyernes 3:00 to 4:00 p.m.

At tulad diumano nina Ben at Erwin Tulfo na parehong iniidolo ng masa, nasa planning stage na ang pagpapatayo ni Ka Rex Cayanong ng Action Center.

 

vuukle comment

REX CAYANONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with